Pumunta sa nilalaman

Nadym

Mga koordinado: 65°32′N 72°31′E / 65.533°N 72.517°E / 65.533; 72.517
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nadym

Надым
Watawat ng Nadym
Watawat
Eskudo de armas ng Nadym
Eskudo de armas
Lokasyon ng Nadym
Map
Nadym is located in Russia
Nadym
Nadym
Lokasyon ng Nadym
Nadym is located in Yamalo-Nenets Autonomous Okrug
Nadym
Nadym
Nadym (Yamalo-Nenets Autonomous Okrug)
Mga koordinado: 65°32′N 72°31′E / 65.533°N 72.517°E / 65.533; 72.517
BansaRusya
Kasakupang pederalYamalo-Nenets Autonomous Okrug[1]
Itinatag1598 (unang binanggit),
1968 (muling itinatag)
Katayuang lungsod mula noongMarso 9, 1972
Pamahalaan
 • AlkaldeLeonid Dyachenko
Lawak
 • Kabuuan307 km2 (119 milya kuwadrado)
Taas
6 m (20 tal)
Populasyon
 (Senso noong 2010)[2]
 • Kabuuan46,611
 • Kapal150/km2 (390/milya kuwadrado)
 • Subordinado saLungsod ng kahalagahang okrug ng Nadym[1]
 • Kabisera ngNadymsky District[1], Lungsod ng kahalagahang okrug ng Nadym[1]
 • Distritong munisipalNadymsky Municipal District[3]
 • Urbanong kapookanNadym Urban Settlement[3]
 • Kabisera ngNadymsky Municipal District[3], Nadym Urban Settlement[3]
Sona ng orasUTC+5 ([4])
(Mga) kodigong postal[5]
629730
(Mga) kodigong pantawag+7 3499
OKTMO ID71936000001
Websaytgorod-nadym.ru

Ang Nadym (Ruso: Нады́м) ay isang lungsod sa Yamalo-Nenets Autonomous Okrug, Russia. Ito ay nasa Ilog Nadym.

Dumadaan sa lungsod ang 1,524 milimetro (5 talampakang) malapad na gauge na Daambakal ng Salekhard–Igarka (tinatawag ding "The Dead Road").

May tatlong mga pagsasalin mula sa wikang Nenets:

  1. "nyadey ya" – malumot na lugar
  2. "ngede ya" – tuyong burol na may napakaraming damo
  3. "nyada yam" – lupa ng pamilyang Nyadong

Ang unang pagbanggut ng pangalan ng lungsod ay noong huling bahagi ng ika-16 na dantaon.[6] Lumilitaw ang pangalang "Nadym" sa mga mapang Ruso mula sa huling bahagi ng ika-17 dantaon, at palathalang nakatala ang Ilog Nadym sa pasimula ng ika-18 dantaon sa "Drawing Book of Siberia" ng heograpo, kartograpo, at topograpong Ruso ng Semyon Remezov and sons, na ginuhit noong 1699–1701. Sa mapa ng lalawigan ng Tobolsk noong 1802, nakatanda na ang Nadym na may malaking populasyon. Sa kasalukuyan, ito ay nasa 32 kilometro mula sa bukana ng Ilog Nadym na tinukoy bilang bunton ng Nadym.[7]

Itinatag noong 1929 ang isang kabukirang reyndir na "Nadym" sa kanang pampang ng ilog. Ngunit binuwag ito 1934 at ginawa itong pabrika.

Noong taglagas ng 1967, pinili ang sityo bilang reperensiyang balangkas para sa pagpapaunlad ng isang panrehiyon na depositong nagtataglay ng gas. Dahil sa napapaligiran ito ng maraming mga lawa at nasa mataas na tuyong lugar, pinili ito para sa isang patakbuhan para sa industriya ng kompanyang panghimpapawid. May kaliitan ito at nasa layong 12 kilometro mula sa Ilog Nadym kung saang hinango ang pangalan nito. Pagsapit ng mga dekada-1950 at 1960, sinimulang tawagin ang nayon na "Bagong Nadym" ("New Nadym").

Kalinya ng mabilis na hakbang ng pagpapaunlad nito, naglikha ang kompanya ng gas ng Medvezhye gas field, na may layong gawing isang sentrong panlipunan at pangkalinangan ng Hilaga ng Tyumen ang Nadym. Noong Agosto 1971, idinaos ang groundbreaking ceremony para sa unang pangunahing gusali, at noong Marso 9, 1972 sa pamamagitan ng kautusan ng Unang Kalihim ng Unyong Sobyet sinapi ang pamayanang industriyal ng Nadym sa loob ng Distritong Munisipal ng Nadymsky bilang Nadym Urban Settlement.[3][8]

Abenida Leningradsky

Ang pangunahing negosyo sa lungsod ay ang "Nadymgazprom". Isa ito sa mga sangay ng kompanyang gas na Gazprom na bumubuo sa humigit-kumulang 11% ng pinanggagalingang gas sa Rusya. Gayon din, nasa lungsod ang pinakamalaki sa nagsasariling mga naglilikha ng gas, ang "NOVATEK" (Yurkharovskoye field).

Ang malaking mga kompanya sa konstruksiyon ay "Arktikneftegazstroy", "Severgazstroi", at "Nadymdorstroy." Kasama dati ang kompanyang "Severtruboprovodstroy," subalit idineklara itong bangkarote noong Abril 2011.

Sa produksiyon ng langis at gas na nakabase sa Nadym, ang "RITEKNadymneft" (isang sangay ng JSC "RITEK") ay namuno sa pagpapausbong ng mga minahan ng langis ng Sandibinskogo at Mid-Khulymsk.

Nakararanas ang Nadym ng klimang subartiko (Köppen climate classification Dfc). Matindi ang klima, kalakip ng mga temperaturang kasingbaba ng −57.7 °C (−71.9 °F) at kasingtaas ng +34.7 °C (94.5 °F). Ngunit karaniwang napakalamig ang rehiyon, na may katamtamang temperatura ng −5.4 °C (22.3 °F). Likas na mababa ang presipitasyon; 496 millimetro (19.5 pul) sa bawat taon. Mas-mabigat ang pag-ulan sa tag-init kaysa sa taglamig.

Datos ng klima para sa Nadym (1959-2012)
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Sukdulang taas °S (°P) 1.7
(35.1)
1.0
(33.8)
10.6
(51.1)
20.7
(69.3)
29.6
(85.3)
34.2
(93.6)
34.7
(94.5)
32.6
(90.7)
25.7
(78.3)
17.0
(62.6)
7.0
(44.6)
10.1
(50.2)
34.7
(94.5)
Katamtamang taas °S (°P) −19.4
(−2.9)
−18.0
(−0.4)
−9.0
(15.8)
−2.8
(27)
4.5
(40.1)
15.2
(59.4)
20.9
(69.6)
16.3
(61.3)
9.4
(48.9)
−1.0
(30.2)
−11.9
(10.6)
−16.5
(2.3)
−0.9
(30.4)
Arawang tamtaman °S (°P) −23.7
(−10.7)
−22.6
(−8.7)
−14.6
(5.7)
−8.2
(17.2)
−0.1
(31.8)
10.0
(50)
15.7
(60.3)
11.8
(53.2)
5.8
(42.4)
−4.0
(24.8)
−15.8
(3.6)
−20.9
(−5.6)
−5.4
(22.3)
Katamtamang baba °S (°P) −28.3
(−18.9)
−27.3
(−17.1)
−20.0
(−4)
−13.7
(7.3)
−4.2
(24.4)
5.4
(41.7)
10.4
(50.7)
7.8
(46)
2.8
(37)
−7.0
(19.4)
−20.0
(−4)
−25.5
(−13.9)
−9.8
(14.4)
Sukdulang baba °S (°P) −57.7
(−71.9)
−52.2
(−62)
−47.1
(−52.8)
−39.2
(−38.6)
−25.6
(−14.1)
−8.1
(17.4)
−0.9
(30.4)
−5.0
(23)
−9.7
(14.5)
−34.7
(−30.5)
−47.5
(−53.5)
−50.4
(−58.7)
−57.7
(−71.9)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 24.3
(0.957)
19.2
(0.756)
23.0
(0.906)
27.3
(1.075)
36.6
(1.441)
57.1
(2.248)
68.6
(2.701)
70.5
(2.776)
57.0
(2.244)
51.3
(2.02)
33.8
(1.331)
27.6
(1.087)
496.3
(19.539)
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 0.1 mm) 18.6 15.5 15.8 13.4 14.3 13.6 12.7 15.9 16.0 20.0 18.9 19.1 193.8
Sanggunian: climatebase.ru
Simbahan ng San Nicolas sa Nadym
Historical population
TaonPop.±%
1979 26,058—    
1989 52,586+101.8%
2002 45,943−12.6%
2010 46,611+1.5%
Senso 2010:[2]; Senso 2002:[9]; Senso 1989:[10]

Mga pandaigdigang ugnayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kambal at kapatid na lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Magkakambal ang Nadym sa:

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Law #42-ZAO
  2. 2.0 2.1 Russian Federal State Statistics Service (2011). "Всероссийская перепись населения 2010 года. Том 1" [2010 All-Russian Population Census, vol. 1]. Всероссийская перепись населения 2010 года [2010 All-Russia Population Census] (sa wikang Ruso). Russian Federal State Statistics Service. {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Law #111-ZAO
  4. "Об исчислении времени". Официальный интернет-портал правовой информации (sa wikang Ruso). 3 Hunyo 2011. Nakuha noong 19 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Почта России. Информационно-вычислительный центр ОАСУ РПО. (Russian Post). Поиск объектов почтовой связи (Postal Objects Search) (sa Ruso)
  6. "Мангазейский морской путь". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-09-24. Nakuha noong 2019-06-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2015-09-24 sa Wayback Machine.
  7. Надымский район: История Naka-arkibo 2013-12-18 sa Wayback Machine. // nadymregion.ru
  8. Надымский район > Город Надым > История города Naka-arkibo 2013-12-18 sa Wayback Machine. // nadymregion.ru
  9. Russian Federal State Statistics Service (21 Mayo 2004). "Численность населения России, субъектов Российской Федерации в составе федеральных округов, районов, городских поселений, сельских населённых пунктов – районных центров и сельских населённых пунктов с населением 3 тысячи и более человек" [Population of Russia, Its Federal Districts, Federal Subjects, Districts, Urban Localities, Rural Localities—Administrative Centers, and Rural Localities with Population of Over 3,000] (XLS). Всероссийская перепись населения 2002 года [All-Russia Population Census of 2002] (sa wikang Ruso). {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Всесоюзная перепись населения 1989 г. Численность наличного населения союзных и автономных республик, автономных областей и округов, краёв, областей, районов, городских поселений и сёл-райцентров" [All Union Population Census of 1989: Present Population of Union and Autonomous Republics, Autonomous Oblasts and Okrugs, Krais, Oblasts, Districts, Urban Settlements, and Villages Serving as District Administrative Centers]. Всесоюзная перепись населения 1989 года [All-Union Population Census of 1989] (sa wikang Ruso). Институт демографии Национального исследовательского университета: Высшая школа экономики [Institute of Demography at the National Research University: Higher School of Economics]. 1989 – sa pamamagitan ni/ng Demoscope Weekly. {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga pinagkunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]