Noyabrsk

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Noyabrsk

Ноябрьск
Sentrong lungsod ng Noyabrsk
Sentrong lungsod ng Noyabrsk
Watawat ng Noyabrsk
Watawat
Eskudo de armas ng Noyabrsk
Eskudo de armas
Noyabrsk is located in Rusya
Noyabrsk
Noyabrsk
Lokasyon ng Noyabrsk
Noyabrsk is located in Yamalo-Nenets Autonomous Okrug
Noyabrsk
Noyabrsk
Noyabrsk (Yamalo-Nenets Autonomous Okrug)
Mga koordinado: 63°12′N 75°27′E / 63.200°N 75.450°E / 63.200; 75.450Mga koordinado: 63°12′N 75°27′E / 63.200°N 75.450°E / 63.200; 75.450
BansaRusya
Kasakupang pederalYamalo-Nenets Autonomous Okrug[1]
ItinatagOktubre 26, 1977
Katayuang lungsod mula noongAbril 28, 1982[3]
Pamahalaan
 • KonsehoLehislatibong panlungsod
 • PinunoAlexey Romanov
Lawak
 • Kabuuan38.84 km2 (15.00 milya kuwadrado)
Taas
115 m (377 ft)
Populasyon
 (Senso noong 2010)[2]
 • Kabuuan110,620[2]
 • Ranggo144th in 2010
 • Subordinado saLungsod ng kahalagahang okrug ng Noyabrsk[1]
 • Kabisera ngLungsod ng kahalagahang okrug ng Noyabrsk[1]
 • Urbanong okrugNoyabrsk Urban Okrug[5]
 • Kabisera ngNoyabrsk Urban Okrug[5]
Sona ng orasUTC+5 ([6])
(Mga) kodigong postal[7]
629811
(Mga) kodigong pantawag+7 3496
OKTMO ID71958000001
Araw ng lungsodUnang Linggo ng Setyembre
Websaytadmnoyabrsk.ru

Ang Noyabrsk (Ruso: Ноя́брьск, IPA [nɐˈjabrʲsk]) ay ang pinakamalaking lungsod sa Yamalo-Nenets Autonomous Okrug, Rusya. Matatagpuan ito sa gitna ng mga minahan ng langis sa Kanlurang Siberia, sa daambakal ng TyumenNovy Urengoy mga 300 kilometro (190 milya) hilaga ng Surgut.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagmumula sa 1975 ang kasaysayan ng Noyabrsk, kung kailang bumaba ang isang pangkat lulan ng helikopter sa yelo ng Ilog Itu-Yakha upang simulan ang pagpapaunlad ng minahan ng langis ng Kholmogorskoye. Noong Nobyembre 1976, dumating sa lugar ng magiging lungsod ang unang pangkat ng mga tagapagtayo ng daambakal at humimpil sa tabi ng Lawa ng Khanto na may gawaing magtatag ng isang pamayanan. Noong Oktubre 26, 1977, opisyal na inirehistro ang pamayanan Noyabrsk, na lumago sa paligid ng estasyong daambakal ng Noyabrskaya. Ipinasiyang gamitin ang pangalang "Noyabrsk" sa halip ng isa pang ipinanukalang pangalan na "Khanto", upang pairalin ang ala-ala ng unang pagdating noong Nobyembre 1976, sapagkat ang salitang Ruso ng Nobyembre ay "ноябрь" (noyabr). Ang pamayanan ay ginawaran ng katayuang pampamayanang paggawa (work settlement) noong Nobyembre 12, 1979, at katayuang panlungsod noong Abril 28, 1982.[3]

Kontemporaryong kasaysayan at krimen[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong panahong Sobyet isang nakasarang lungsod ang Noyabrsk na karamihan sa populasyon ay mga propesyonal na nagbigay ng ilang proteksiyon mula sa panlabas na impluwensiya ng krimen. Sa pagbukas nito noong dekada-1990 kasunod ng pagbuwag ng Unyong Sobyet at kalakip ng industriyang langis at gas na napapanatili ang may kataasang antas na pamumuhay sa kabila ng kawalan ng katiyakang ekonomiko sa mga panahong iyon, naging kapaki-pakinabang ang negosyo ng bawal na gamot (o iligal na droga) at nagpalapit ng masasamang mga elemento mula sa ibang mga rehiyon. Pinalala ng sitwasyon ang kapulisan at mga opisyal na nasusuhulan at hindi sinanay upang harapin ang suliranin at ng pangkalahatang kakulangan ng mga trabaho para sa mga tinedyer. Ibinalita sa pambansang telebisyon at ibang mga midya ang sitwasyon ng pagkalulong sa bawal na droga sa Noyabrsk, at dumating ang mga samahang pampamahalaan at pangmamamayan upang labanan ang suliranin.[8]

Noong Marso 17, 2009, ipinadala sa hukuman ang kasong kriminal na isinampa laban sa alkaldeng si Nikolay Korobkov. Ayon sa panig ng tagausig, nilipat niya ang ilang ari-ariang pangmunisipyo sa isang pampribadong kompanya kahit na wala siyang kapangyarihan na gawin.[9]

Demograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Historical population
TaonPop.±%
1989 85,880—    
2002 96,440+12.3%
2010 110,620+14.7%
Senso 2010: [2]; Senso 2002: [10]; Senso 1989: [11]

Ang karaniwang edad ng populasyon ay higit sa 30 taong gulang lamang.[12]

Ekonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Nakabatay ang ekonomiya ng Noyabrsk sa paggawa ng hidrokarburo. Ang Noyabrsk ay himpilan ng mga operasyon ng dalawang pangunahing mga kompanya.[12] Ang Gazpromneft–Noyabrskneftegaz ay isang pangunahing sangay na prodyuser ng langis ng Gazprom Neft.[13] Ito ang pinakamalaking kompanya ng langis sa Yamalo-Nenets Autonomous Okrug at bumubuo sa 6% ng kabuuang produksiyon ng langis sa Rusya. Sa panig naman ng likas na gas, ang Gazprom dobycha Noyabrsk na isa sa tatlong pangunahing mga sangay ng Gazprom ay may taunang produksiyon ng 85 bilyong metro kubiko.[12] Magkabagay ito sa 9.3% ng kabuuang taunang produksiyon ng gas ng Gazprom.[14] Nagpapatakbo ito ng ilang mga gas field sa paligid ng lungsod. Sa hilagang-silangan ay mga gas field ng Vyngapurovskoye na inilunsad noong 1978 at Vyngayakhinskoye na inilunsad noong 2006. Sa hilagang-kanluran naman ang mga gas field ng Komsomolskoye na inilunsad noong 1993 at Zapadno-Tarkosalinskoye na inilunsad noong 1996. Ang pangunahing kapakinabangang pangnegosyo ng Gazprom dobycha Noyabrsk ay ang mababang primerang halaga ng produksiyon. Nagbibigay rin ang kompanya ng mga panglilingkod ng nagpapatakbo sa produksiyon ng gas at kondensasyon at paglilinis ng gas (gas treatment).[15] Karagdagan ang higit sa 1,000 mga kompanya na nagbibigay ng mga paglilingkod para sa industriya ng langis at gas at suporta para sa imprastrakturang panlipunan ng lungsod.[12]

Transportasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Matatagpuan ang Paliparan ng Noyabrsk mga 6 kilometro (3.7 milya) sa kanluran ng lungsod. Isa itong makabagong paliparan na may kakayahang makapaglapag ng malalaking mga eroplano.[12] Kadalasang may mga lipad patungong Moscow (mga paliparan ng Domodedovo o Vnukovo), habang ilang beses sa isang linggo naman ang mga lipad papuntang maraming mga lokasyon tulad ng Salekhard. Nakahati ang lungsod sa dalawang bahagi: ang isang mas-maliit na katimugang bahagi na Noyabrsk-I at ang mas-malaking hilagang bahagi na Noyabrsk-II, kapuwa may sariling estasyon ng daambakal. Ang linyang daambakal ay naghihiwalay ng bahaging pampamahayan ng lungsod sa mga pook pang-industriya na naglilingkod sa mga minahan ng langis.

Mga kambal at kapatid na lungsod[baguhin | baguhin ang batayan]

Silipin din: Talaan ng mga kambal at kapatid na lungsod sa Rusya

Magkakambal ang Noyabrsk sa:

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Law #42-ZAO
  2. 2.0 2.1 2.2 Russian Federal State Statistics Service (2011). "Всероссийская перепись населения 2010 года. Том 1" [2010 All-Russian Population Census, vol. 1]. Всероссийская перепись населения 2010 года [2010 All-Russia Population Census] (sa Ruso). Russian Federal State Statistics Service.
  3. 3.0 3.1 Charter of the Municipal Formation of the City of Noyabrsk, adopted on January 1, 2006
  4. http://admnoyabrsk.ru/admin/Foto_CkEditor/Pasport_MO_gorod_Noyabrsk_2014_god.docx.
  5. 5.0 5.1 Law #101-ZAO
  6. "Об исчислении времени". Официальный интернет-портал правовой информации (sa Ruso). 3 Hunyo 2011. Hinango noong 19 Enero 2019.
  7. Почта России. Информационно-вычислительный центр ОАСУ РПО. (Russian Post). Поиск объектов почтовой связи (Postal Objects Search) (sa Ruso)
  8. Teenage drug use goes down - news report.
  9. Lesovskikh, Igor (March 18, 2009). "Мэра Ноябрьска направили в суд". Kommersant. Hinango noong March 18, 2009.
  10. Russian Federal State Statistics Service (21 May 2004). "Численность населения России, субъектов Российской Федерации в составе федеральных округов, районов, городских поселений, сельских населённых пунктов – районных центров и сельских населённых пунктов с населением 3 тысячи и более человек" [Population of Russia, Its Federal Districts, Federal Subjects, Districts, Urban Localities, Rural Localities—Administrative Centers, and Rural Localities with Population of Over 3,000] (XLS). Всероссийская перепись населения 2002 года [All-Russia Population Census of 2002] (sa Ruso).
  11. "Всесоюзная перепись населения 1989 г. Численность наличного населения союзных и автономных республик, автономных областей и округов, краёв, областей, районов, городских поселений и сёл-райцентров" [All Union Population Census of 1989: Present Population of Union and Autonomous Republics, Autonomous Oblasts and Okrugs, Krais, Oblasts, Districts, Urban Settlements, and Villages Serving as District Administrative Centers]. Всесоюзная перепись населения 1989 года [All-Union Population Census of 1989] (sa Ruso). Институт демографии Национального исследовательского университета: Высшая школа экономики [Institute of Demography at the National Research University: Higher School of Economics]. 1989 – via Demoscope Weekly.
  12. 12.0 12.1 12.2 12.3 12.4 "Noyabrsk". RusBusinessNews. Hinango noong 2009-12-29.
  13. "Oil Exploration and Production". Gazprom Neft. Hinango noong 2009-12-29.
  14. "Gazprom in figures 2004–2008" (PDF). Gazprom. 2009. Hinango noong 2009-07-02.
  15. "Gazprom dobycha Noyabrsk". Gazprom. Hinango noong 2009-12-29.

Mga pinagmulan[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]