Pumunta sa nilalaman

Sistemang somatosensoryo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Nahipo)

Ang sistemang panghipo, sistemang somatosensoryo, o sistemang somatosensoryal (Ingles: somatosensory system) ay isang sistemang pandama na nakakadetekta, nakadarama, o nakapapansin ng mga karanasang tinuturing na paghipo o presyon, temperatura (mainit o malamig), hapdi (kabilang ang kati at kiliti) at iyong mga kabilang sa propriosepsiyon. Mga sensasyon ito ng kilos o galaw ng mga masel at posisyon ng hugpungan kabilang ang tikas, galaw o kilos, damdaming biseral (internal o panloob) at ekspresyon ng mukha. May kaugnayan ang pandamdam na biseral sa mga kabatiran o impormasyong sensoryong nagmumula sa loob ng katawan, katulad ng sakit ng tiyan.

Maituturing ang paghipo bilang isa sa limang mga damdamin o pagdama ng tao; subalit kapag hinawakan o hinipo ng isang tao ang isang bagay o kapwa tao, nakalilikha ito ng sari-saring mga damdamin: ang persepsiyon ng presyon o diin (hugis, kalambutan, tekstura, oskilasyon o bibrasyon, at iba pa), relatibong temperatura, at kung minsan pati kahapdian. Kaya't ang salitang "hipo" ay talagang kombinasyon o pinagsamang katawagan para sa ilang mga damdamin o senso. Sa medisina, kalimitang pinapalitan ang kolokyal na terminong "hipo" ng somatikong mga damdamin, somatikong pandamdam, o somatikong mga senso, upang maipakita ng mainam ang sari-saring mga kalangkap na mga mekanismo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Anatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.