Pumunta sa nilalaman

New Clark City

Mga koordinado: 15°19′20.2″N 120°30′21.4″E / 15.322278°N 120.505944°E / 15.322278; 120.505944
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
New Clark City
Planadong lungsod
Opisyal na logo ng New Clark City
Mga koordinado: 15°19′20.2″N 120°30′21.4″E / 15.322278°N 120.505944°E / 15.322278; 120.505944
Bansa Philippines
RehiyoGitnang Luzon
ProbinsyaTarlac
BayanCapas
Bamban
Economic zoneClark Special Economic Zone
NamamahalaBases Conversion and Development Authority
Lawak
 • Kabuuan94.50 km2 (36.49 milya kuwadrado)
Pinakamataas na pook
800 m (2,600 tal)
Pinakamababang pook
54 m (177 tal)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Websaytnewclarkcityph.com

Ang New Clark City (tinatawag din bilang Clark Green City at New Clark Green City) ay isang planadong lungsod na itinatayo sa Capas, Tarlac, Pilipinas. Ito ay may lawak na 9,450 ektarya at pagnatapos ay maaaring maging tahanan ng humigit-kumulang 1.2 milyong katao.

Ang logo ng Clark Green City.

Ipinangalan ang lungsod na "Clark" dahil mas kilala ito ng mga namumuhunan, kahit na ang lungsod ay nasa Tarlac at wala sa Pampanga (kung saan naroroon ang Clark Freeport Zone). Inihalintulad ito sa kaso ng Subic Bay Freeport Zone na matatagpuan sa Olongapo at Morong, Bataan, at wala sa Subic, Zambales.[1]

Palakasan at laro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang ginagawang hugnayan ng mga pook-palakasan sa New Clark City ay binubuo ng nayon ng mga atleta, pantubig na pook-palakasan, at isang istadyum na maaring mag-upo ng 20,100 katao. Inaasahan sa New Clark City gaganapin ang Palaro ng Timog Silangang Asya 2019.

Transportasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pinaplanong linya na Maynila-Clark ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas ang mag-uugnay sa New Clark City at sa kabisera ng bansa, ang Maynila. Ang Estasyong daangbakal ng New Clark City ang pangunahing estasyon na inaasahang maglilingkod sa lungsod.

Ang NCC ay maaaring mapuntahan gamit ang Subic–Clark–Tarlac Expressway at ang Central Luzon Link Expressway. Mapupuntahan din ang lungsod sa pamamagitan ng Daang New Clark City-Mac Arthur na konektado sa Lansangang MacArthur.

  1. "Construction of P1.7-T Clark Green City to start next year - BCDA". InterAksyon. Philippines News Agency. Ika-13 ng Disyembre, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-03-05. Nakuha noong Ika-11 ng Abril, 2016. {{cite news}}: Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong) Naka-arkibo 2017-03-05 sa Wayback Machine.