Nukleyosida
Nitrogenous base | Ribonucleoside | Deoxyribonucleoside |
---|---|---|
Adenine |
Adenosine A |
Deoxyadenosine dA |
Guanine |
Guanosine G |
Deoxyguanosine dG |
Thymine |
5-Methyluridine m5U |
Thymidine dT |
Uracil |
Uridine U |
Deoxyuridine dU |
Cytosine |
Cytidine C |
Deoxycytidine dC |
Ang mga Nukleyosida o Nucleoside ay mga glikosilamino na binubuo ng isang nukleyobase (na kadalasang tinutukoy na simpleng base) na nakabigkis o nakatali sa isang ribosa o asukal na deoksiribosa sa pamamagitan ng isang beta-pag-uugnay na glikosidiko. Ang mga halimbawa ng mga nukleyosida ay kinabibilangan ng cytidine, uridine, adenosine, guanosine, thymidine at inosine.
Mga tungkuling biolohiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga nukleyosida ay maaaring maposporila ng mga spesipikong kinase sa selula sa pangunahing pangkat alkohol ng asukal (-CH2-OH) na lumilikha ng mga nukleyotida na mga molekular na pantayong bloke ng DNA at RNA. Ang mga nukleyosida ay maaaring malikha ng sintesis na de novo mga landas sa partikular sa atay ngunit ang mga ito ay mas saganang sinusuplay sa pamamagitan ng inhestiyon at dihestiyon ng mga asidong nukleyiko sa diyeta kung saan ang mga nukleyotidase ay sumisira sa mga nukleyotida(gaya ng thymidine monophosphate) sa mga nukleyosida(gaya ng thyrimidine) at pospata(phosphate). Ang mga nukleyosida ay kalaunang nasisira naman sa lumen ng sistemang dihestibo ng mga nukleyosidase tungo sa mga nukleyobase at ribosa o deoksiribosa. Sa karagdagan, ang mga nukleyotida ay maaaring mahati sa loob ng ng selula tungo sa mga baseng nitrohenoso at ribose-1-phosphate o deoxyribose-1-phosphate.
Gamit sa medisina at teknolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa medisina, ang ilang mga analogong nukleyosida ay ginagamit bilang mga ahenteng antiviral o anti-kanser. Ang viral na polymerase ay nagsasama ng mga compound na ito sa mga baseng hindi kanonikal. Ang mga compound na ito ay napapagana sa mga selula sa pagiging nakonberte sa mga nukleyotida. Ang mga ito ay nilalapat bilang mga nukleyosida dahil ang may kargang mga nukleyosida ay hindi madaling makakatawid sa mga membrano ng selula. Sa biolohiyang molekular, ang ilang mga analogo ng likurangbuto ng asukal ay umiiral. Dahil sa mababang pagiging matatag ng RNA na nagagawi sa hidrolisis, ang ilang mas matatag ng mga alternatibong analogong nukleyosida/nukleyotida na tamang nagbibigkis sa RNA ay ginagamit. Ito ay nakakamit sa pamamagitan ng paggamit ng isang ibang asukal na likurangbuto. Ang mga analogong ito ay kinabibilangan ng LNA, morpholino, PNA. Sa pagsesekwensiya, ang mga dideoxynucleotide ay ginagamit. Ang mga nukleyotidang ito ay nag-aangkin ng hindi kanonikal na asukal na dideoxyribose na nagkukulang ng pangkat na 3' hydroxyl(na tumatanggap ng phosphate). Kaya ito ay hindi maaaring magbigkis sa sumunod na base at nagwawakas ng kadena dahil ang mga DNA polymerase ay hindi makapagtangi sa pagitan nito at isang regular na deoxyribonucleotide.