Numerasyon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang sistema ng pagsulat ng bilang o sistemang pamilang, na nakikilala rin bilang numerasyon, sistemang numeral, o sistema ng numerasyon ay isang sistema ng pagsulat para sa pagpapahayag ng mga bilang, o iyong isang notasyong pangmatematika (notasyong matematikal) para sa representasyon (pagkakatawan) ng mga bilang ng isang ibinigay na pangkat, na gumagamit ng mga tambilang (dihito) o ibang mga simbolo sa isang paraan na hindi pabagu-pago. Matatanaw ito sa diwa na nagpapahintulot ng mga simbolong "11" na maipapaliwanag bilang simbolong binaryo para sa tatlo, bilang simbolong desimal ng labing-isa, o bilang isang simbolo para sa iba pang mga bilang na nasa loob ng iba't ibang mga basehan (bases).

Ideyal na magagawa ng isang sistemang numeral ang mga sumusunod:

  • Kumatawan sa isang magagamit na pangkat ng mga bilang (halimbawa na ang lahat ng mga integer, o mga bilang na rasyunal)
  • Magbigay na ang bawat isang bilang ay kumakatawan sa isang natatanging representasyon (o kahit na isang representasyong pamantayan o saligan)
  • Magpaaninag ng kayariang alhebraiko at aritmetiko ng mga bilang.

Bilang halimbawa, ang karaniwang pagkakatawan o representasyong desimal ng mga buumbilang ay nagbibigay sa bawat isang buumbilang ng isang natatanging representasyon ng isang mayroong hangganan na sunuran (pagkakasunud-sunod) ng mga tambilang (dihito). Subalit, kapag ang representasyong desimal ay ginamit para sa mga rasyunal o totoong bilang, ang ganiyang mga bilang - sa pangkalahatan - ay mayroong isang walang hangganan o walang wakas na bilang ng mga representasyon, katulad ng 2.31 na maaaring isulat din bilang 2.310, 2.3100000, 2.309999999..., atbp., na ang lahat ng ito ay mayroong magkakatulad na kahulugan maliban na lamang ang para sa ilang mga diwang pang-agham at iba pang mga diwa o konteksto kung saan ang mas mataas na antas ng katumapakan ay ipinahihiwatig sa pamamagitan ng isang mas malaking bilang ng mga pigurang ipinakikita.

Ang mga sistemang pangnumero ay paminsan-minsang tinatawag na mga sistema ng bilang o sistema ng numero, subalit ang katawagan o pangalang iyan ay malabo o hindi malinaw, dahil maaari itong tumukoy sa iba't ibang mga sistema ng mga bilang, katulad ng sa sistema ng mga tunay na bilang, sa sistema ng mga bilang na masasalimuot (mga bilang na kumplikado), sa sistema ng mga p-adikong bilang, atbp. Ang mga sistemang ganito ay hindi kabilang bilang paksa sa artikulong ito.


Matematika Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.