Aritmetika

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Aritmetiko)
Jump to navigation Jump to search

Ang aritmetika o bilnuran o palatuusan sa kaniyang kadalasang gamit ay bahagi ng matematika o sipnayan na naituturing na kahalingkabuluhan ng teorya ng bilang (number theory). Sa ilalim nito ay ang tradisyunal na operasyon, pagsusuma o pagdaragdag, pagbabawas, pagpaparami, at paghahati. Kasama rin ng bilnuran ay ang mas mataas na operasyon gaya ng pagbabahagdann. Kinukwenta ang mga operasyon ayon sa kaniyang batas nang pagkakasunod-sunod.

Ang salitang aritmetika ay hango sa salitang Griyego na αριθμός na nangangahulugang bilang. Sa payak na paglalarawan at pagbibigay ng kahulugan, ito ay ang karunungan sa pagbilang at pagtutuos.[1]

Palatuusan sa Akademiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Madalas na ang pokus sa primaryang edukasyon sa sipnayan ay ang mga algorithm para sa palatuusan ng mga natural na bilang, buumbilang, hatimbilang, at mga sampuan (ginagamit ang pamamaraang puwesto-kahalagahaan). Ang pag-aaral na ito ay minsang kinikilala bilang algorism.

Dahil sa mahirap at nakakatamad na anyo ng mga algorithm, maraming mga guro ang nag-aalinlangan sa kurikulum at tumatangkilik sa noong pagtuturo ng mas sentral at likas na ideyang pang-sipnayan. Isa sa mga tanyag na pagkilos sa direksyong ito ay ang New Math ng 1960s at 1970s, na tinangkang ituro ang palatuusan kaugnay ng pagsulong axiomatic mula sa set theory, isang pag-uulit ng mga nananaig sa larangan ng nakatataas na sipnayan.  

Ang palatuusan ay  ginamit din ng mga Islamic na palaaral upang ituro ang mga paggamit ng mga pamumuno ukol sa Zakat at Irth. Ito ay ipinakita sa librong pinamagatang The Best of Arithmetic na isinulat ni Abd-al-Fattah-al-Dumyati.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]


Matematika Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.