Pumunta sa nilalaman

Obserbatoryo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Sphinx Observatory sa tuktok ng bundok sa Alpes ng Suwisa sa taas na 3,571 m (11,716 tal)

Ang isang obserbatoryo (Ingles: observatory) ay isang gusali na mayroong isa o maraming napaka malalaking mga teleskopyo. Ang mga obserbatoryo ay ginagamit ng mga astronomo upang tanawin at pagmasdan ang kalangitan o himpapawid. Ang mga obserbatoryo ay karaniwang nasa napaka matataas na mga kabundukan o mga burol, dahil kailangan nila ng malinis at dalisay o walang sagabal na hangin upang makakita nang tumpak at tama. Kapag mas mataas ang lugar, mas dalisay at mas malinis ang hangin. Kailangang malayo din ang mga obserbatoryo mula sa mga pook na mayroong maraming mga liwanag, katulad ng mga lungsod. Ang labis na liwanag ay nakakapagdulot na hindi mabuti ang pagtanaw sa mga bagay mula sa teleskopyo na isinasagawa ng mga astronomo.

Bilang isang lokasyon, ginagamit din ang isang obserbatoryo sa pagmamatyag ng mga kaganapang pangmundo (mga kaganapan sa lupa) o mga kaganapang pangkalawakan. Kabilang sa mga halimbawa ng mga disiplinang ginagamitan ng mga obserbatoryo ang astronomiya, klimatolohiya o meteorolohiya, heolohiya, oseanograpiya, at bulkanolohiya. Batay sa kasaysayan, ang mga obserbatoryo ay dating kasimpayak na naglalaman ng isang sekstante na pang-astronomiya (para sa pagsukat ng layo sa pagitan ng mga bituin, o ng mayroong Stonehenge (na mayroong ilang pagkakaayos na nakaguhit o nakalinya sa kababalaghan o pangyayaring pang-astronomiya).

AstronomiyaTeknolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya at Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.