Pumunta sa nilalaman

Bundok

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kabundukan)
Isang magandang tanawin
Bundok Damavand, Iran
Bundok Banahaw, Pilipinas

Ang bundok (Kastila: montaña, Ingles: mountain[1], mont, at mount [mga katawagang pang-heograpiya][1]) ay anyong lupa na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang bahagi ng lupa sa isang limitadong lawak.[2] Sa pangkalahatan, mas matarik ang bundok kaysa isang burol, ngunit walang mga pangkalahatan pamantayan tinatanggap para sa kahulugan ng taas ng isang bundok o isang burol.

Napoporma ang mga bundok sa pamamagitan ng tectonic forces, erosyon, o bulkanismo at milyun-milyung taon. Pagkatapos nito, ang mga bundok ay pinapatag sa pamamagitan ng weathering, o ibang paraan ng mass wasting, at saka erosyon dahil sa mga ilog at glacier.

Mas magiging malamig sa itaas ng bundok dahil sa kataasan nito. Itong malamig na klima ay apektado sa ekosistema ng mga bundok: ibang parte ng bundok ay may ibang halaman at hayop. Dahil sa lupain, hindi gaano ginagamit ang bundok para sa agrikultura atmas higit pa para sa pagkuha ng mapagkukunan, katulad ng pagmimina at pagtotroso, at paglilibang, katulad ng pamumundok at pag-iiski.

Ang Bundok Everest sa Himalaya ng Asya ay ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig, na ang rurok ay 8,850 m (29,035 ft) sa itaas ng mean sea level. Ang pinakamataas na bundok sa mga planeta ng Solar System ay ang Olympus Mons sa Marte na ang rurok ay 21,171 m (69,459 ft).

Walang pangkalahatang kinikilalang kahulugan ng isang bundok. Ang kataasan, kabuuan, katarikan ay ginamit bilang pamantayan sa pagtukoy ng mga bundok.

Sa United Kingdom at Republika ng Irlanda, ang bundok ay tinutukoy bilang kahit anong tuktok na may 2,000 ft (610 ft) na kataasan. Sa Estados Unidos, tinutukoy ang isang bundok na may kataasan na hindi bababa 1,000 ft (305 m), ngunit inabandona na ang kahulugan na ito noong 1970s. Ngayon, ang United States General Survey ay tinitiyak na walang teknikal na kahulugan sa Estados Unidos.

Ang kahulugan ng "mabundok na kapaligiran" ng UN Environmental Programme ay ang susunod:

  • Klase 1: Katasaang mas mataas ng 4,500 m (14,764 ft).
  • Klase 2: Kataasan na sa gitna ng 3,500 m (11,483 ft) at 4,500 m (14,764 ft).
  • Klase 3: Kataasan na sa gitna ng 2,500 m (8,202 ft) at 3,500 m (11,483 ft).
  • Klase 4: Kataasan na sa gitna ng 1,500 m (4,921 ft) at 2,500 m (8,202 ft), na may dalisdis na mas malaki sa 2 digri.
  • Klase 5: Kataasan na sa gitna ng 1,000 m (3,281 ft), na may dalisdis na mas malaki sa 5 digri at/o 300 m (984 ft) na saklaw ng taas sa loob ng 7 km (4.3 mi).
  • Klase 6: Kataasan na sa gitna ng 300 m (984 ft), na may 300 m (984 ft) na saklaw ng taas sa loob ng 7 km (4.3 mi).
  • Klase 7: Mga nakahiwalay na inner basins at talampas na mas maliit ng 25 km2 (9.7 sq mi) sa lugar na sinasapukan ng Klase 1 hanggang 6 na bundok, ngunit hindi nakakamit ang kanilang mga sarili sa pamantayan para sa Klase 1 hanggang 6 na bundok.

Gamit ng mga kahulugang ito, may kinikilalang tuktok ang ng Hilagang Amerika, 25% ng Europa, 22% ng Timog Amerika, 17% ng Australia, at 3% ng Aprika. Sa kabuuan, bulubundukin ang 24% ng lupain sa Daigdig. Nakatira ang 10% ng tao sa mga rehiyong bulubundukin.[3] Nagmula sa mga bundok ang karamihan sa mga tubig sa ilog, at mahigit sa kalahati ng sangkatauhan ang umaasa sa mga bundok bilang pinagkukunan ng tubig.[4][5]

Bundok sa kabuhayan ng tao

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga bundok bilang sagradong lugar

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga bundok minsan ay may malaking parte sa mga relihiyon at mga pilosopikong paniniwala. May maraming bundok sa Gresya katulad ng Bundok Olympus bilang bahay ng mga diyos. Sa kultura ng mga Hapon, ang 3,776.24 m (12,389 ft) na bulkan na Bundok Fuji ay sagrado rin dahil sa libu-libung mga Hapon na umaakyat kada taon.

Impluho sa wikang Ingles

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bagaman nag-iba ang baybay at kahulugan nito sa wikang Ingles na pang-Amerikano, nagkaroon ng tiyak na impluho ang salitang bundok sa talahuluganan ng lengguwaheng ito. Nagmula sa pakikipag-uganayan sa mga Tagalog ng mga sundalong Amerikano noong kapanahunan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang salitang boondocks [bigkas: bun-doks]. Ang literal na kahulugan ay: mga bundok. Sa pangkasalukuyang gamit sa wikang Ingles, nangangahulugan itong "masukal na kagubatan", "mataas at masukal na kalupaan" o "masukal na kagubatan sa kabundukan" (Ingles: backwoods at hinterland).[6] Ang salitang boondocks umiiral din sa wikang Hapon (ブーンドック).


May tatlong pangunahing uri ng bundok: bulkaniko, tiklop, at bloke.[7] Nabubuo ang lahat ng tatlong uri mula sa plate tectonics: kapag gumagalaw, nagtitiklop, at lumulubog ang mga bahagi ng crust ng Daigdig. Ang mga puwersang kompresyon, isostatiko na pag-angat at pagpasok ng batong pumuputok ay nagtutulak sa ibabaw ng bato paitaas, lumilikha ng anyong-lupa na mas mataas kaysa sa nakapaligid na katangian. Ang taas ng anyo ang gumagawa kung ito ay tinatawag na burol o, kung mas mataas at matarik, isang bundok. Ang mga pangunahing bundok ay karaniwang matatagpuan sa mahahabang linear na arko, na nagpapahiwatig ng mga hangganan ng tektonikong plato at aktibidad.

Bulkan Fuji

Nabubuo ang mga bulkan kapag itinutulak ang isang plato sa ilalim ng isa pang plato, o sa isang mid-ocean ridge o mainit na batik.[8] Sa lalim na humigit-kumulang 100 km (60 mi), nangyayari ang pagkatunaw sa bato sa ibabaw ng plato (dahil sa pagdaragdag ng tubig), at bumubuo ng magma na umaabot sa ibabaw. Kapag umabot ang magma sa ibabaw, madalas itong bumubuo ng bulkanikong bundok, gaya ng kalasag na bulkan o estratobulkan.[9]:194 Mga halimbawa ng bulkan ay ang Mount Fuji sa Hapon at Bundok Pinatubo sa Pilipinas. Hindi kailangang umabot sa ibabaw ang magma upang makabuo ng bundok: ang magma na tumitigas sa ilalim ng lupa ay maaari pa ring bumuo ng mga kupol na bundok, gaya ng Navajo Mountain sa Estados Unidos.[10]

Mga Tiklop na Bundok

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ilustrasyon ng mga bundok na nabuo sa isang tiklop na itinulak

Nabubuo ang mga tiklop na bundok kapag nagsalpukan ang dalawang plato: nagaganap ang pagpapaiksi sa kahabaan ng thrust fault at nagiging makapal ang crust.[11] Dahil ang hindi gaanong siksik na kontinental na crust ay “lumulutang” sa mas siksik na mga batong mantle sa ilalim, ang bigat ng anumang materyal na crust na itinulak paitaas upang bumuo ng mga burol, talampas o bundok ay dapat na timbangin ng puwersang lumulutang ng mas malaking bolyum na itinulak pababa sa mantle. Kaya ang kontinental na crust ay karaniwang mas makapal sa ilalim ng mga bundok kumpara sa mga mababang lugar.[12] Ang bato ay maaaring tumupi nang simetriko o hindi simetriko. Ang mga tiklop pataas ay tinatawag na anticline at ang mga tiklop pababa ay syncline: sa hindi simetrikong pagtiklop maaari ring magkaroon ng nakahandusay at baligtad na mga tiklop. Ang Kabundukan ng Balkan[13] at ang Kabundukan ng Jura[14] ay mga halimbawa ng tiklop na bundok.

Mga Bloke na Bundok

[baguhin | baguhin ang wikitext]
ang pinakamataas na tuktok ng Pirin
Bundok Pirin, Bulgaria, bahagi ng fault-block Rila-Rhodope massif

Nabubuo ang mga bloke na bundok dahil sa mga fault sa crust: isang eroplano kung saan dumaan ang mga bato sa isa’t isa. Kapag ang mga bato sa isang panig ng fault ay tumaas kaugnay sa kabila, maaari itong bumuo ng isang bundok.[15] Ang mga itinaas na bloke ay tinatawag na bloke na bundok o horst. Ang mga nalugmok na bloke sa pagitan ay tinatawag na graben: maaari itong maliit o bumuo ng malawak na mga sistema ng rift valley. Ang ganitong uri ng tanawin ay makikita sa Silangang Aprika,[16] ang Vosges at lambak ng Rhine,[17] at ang Basin and Range Province ng Kanlurang Hilagang Amerika.[18] Madalas na nangyayari ang mga lugar na ito kapag ang panrehiyong stress ay ekstensional at ang crust ay numinipis.[18]

Kabundukan ng Apennine at ilog Trebbia, Italya

Sa panahon at kasunod ng pag-angat, ang mga bundok ay napapailalim sa mga ahente ng erosyon (tubig, hangin, yelo, at grabidad) na unti-unting kinakain ang naiangat na lugar. Ang erosyon ay nagiging dahilan upang ang ibabaw ng bundok ay maging mas bata kaysa sa mga batong bumubuo sa mismong bundok.[19]:160 Ang mga proseso ng glasyal ay lumilikha ng mga katangi-tanging anyong-lupa, tulad ng piramidal na tuktok, matutulis na gulod, at mga hugis-mangkok na sirko na maaaring maglaman ng mga lawa.[20] Ang mga talampas na bundok, gaya ng Catskills, ay nabuo mula sa erosyon ng isang naiangat na talampas.[21]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, dahon 492-499, 606 at 612, ISBN 0-7172-0508-8
  2. Montañas (Bundok), nasa wikang Kastila, Los Libros de la Catarata, 2016, dahon 5-21, ISBN 978-8-49097-218-2
  3. Montagne spectaculaire (Mga Nakamamanghang Bundok), nasa wikang Pranses, Glénat Livres, 2017, dahon 11-31, ISBN 978-2-34402-351-8
  4. "International Year of Freshwater 2003". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-10-07. Nakuha noong 2006-12-07.
  5. "The Mountain Institute". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-07-09. Nakuha noong 2006-12-07.
  6. Williams, Edwin B. (general editor) [patnugot-panlahat]. The Scribner-Bantam English Dictionary, Revised Edition (Ang Diksiyunaryong Ingles ng Scribner-Bantam, Edisyong May-Pagbabago), Bantam Books (Mga Librong Bantam), Setyembre 1991, may 1078 na mga dahon, ISBN 0-553-26496-6
  7. "Mountain building". Science matters: earth and beyond; module 4. Pearson South Africa. 2002. p. 75. ISBN 0-7986-6059-7.
  8. Butz, Stephen D. (2004). "Plate tectonics". Science of Earth Systems. Thompson. p. 136. ISBN 0-7668-3391-7.
  9. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Gerrard1990); $2
  10. Fillmore, Robert (2010). Geological evolution of the Colorado Plateau of eastern Utah and western Colorado, including the San Juan River, Natural Bridges, Canyonlands, Arches, and the Book Cliffs. Salt Lake City: University of Utah Press. p. 430. ISBN 978-1607810049.
  11. Searle, Michael P. (2007). "Diagnostic features and processes in the construction and evolution of Oman-, Zagros-, Himalayan-, Karakoram-, and Tibetan type orogenic belts". Mula sa Hatcher, Robert D., Jr.; Carlson, M. P.; McBride, J. H.; Martinez Catalán, J. R. (mga pat.). 4-D framework of continental crust. Geological Society of America. pp. 41 ff. ISBN 978-0-8137-1200-0.{{cite book}}: CS1 maint: multiple names: mga patnugot (link)
  12. Press, Frank; Siever, Raymond (1985). Earth (ika-4th (na) labas). W.H. Freeman. p. 413. ISBN 978-0-7167-1743-0.
  13. Hsü, Kenneth J.; Nachev, Ivan K.; Vuchev, Vassil T. (July 1977). "Geologic evolution of Bulgaria in light of plate tectonics". Tectonophysics. 40 (3–4): 245–256. Bibcode:1977Tectp..40..245H. doi:10.1016/0040-1951(77)90068-3.
  14. Becker, Arnfried (June 2000). "The Jura Mountains — an active foreland fold-and-thrust belt?". Tectonophysics. 321 (4): 381–406. Bibcode:2000Tectp.321..381B. doi:10.1016/S0040-1951(00)00089-5.
  15. Ryan, Scott (2006). "Figure 13-1". CliffsQuickReview Earth Science. Wiley. ISBN 0-471-78937-2.
  16. Chorowicz, Jean (October 2005). "The East African rift system". Journal of African Earth Sciences. 43 (1–3): 379–410. Bibcode:2005JAfES..43..379C. doi:10.1016/j.jafrearsci.2005.07.019.
  17. Ziegler, P. A.; Dèzes, P. (July 2007). "Cenozoic uplift of Variscan Massifs in the Alpine foreland: Timing and controlling mechanisms". Global and Planetary Change. 58 (1–4): 237–269. Bibcode:2007GPC....58..237Z. doi:10.1016/j.gloplacha.2006.12.004.
  18. 18.0 18.1 Levin 2010, pp. 474–478.
  19. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Fraknoi2004); $2
  20. Thornbury, William D. (1969). Principles of geomorphology (ika-2nd (na) labas). New York: Wiley. pp. 358–376. ISBN 0471861979.
  21. Ver Straeten, Charles A. (July 2013). "Beneath it all: bedrock geology of the Catskill Mountains and implications of its weathering: Bedrock geology and weathering of the Catskills". Annals of the New York Academy of Sciences. 1298: 1–29. doi:10.1111/nyas.12221. PMID 23895551. S2CID 19940868.

Heolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.