Pumunta sa nilalaman

Omurice

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Omurice
Omurice na binuhusan ng ketsap
LugarHapon
Pangunahing SangkapItlog ng manok at kanin
BaryasyonOmu Curry, Omuhayashi (na may kaning hayashi), Omu-Soba, Tampopo omurice

Ang omurice o omu-rice (オムライス, Omu-raisu) ay isang putaheng Hapones[1] na binubuo ng torta na gawa sa sinangag at manipis at piniritong binating itlog, kadalasang nilalagyan ng ketsap.[2] Isa itong tanyag na ulam na karaniwang niluluto sa bahay. Partikular na mahilig ang mga bata sa omurice. Madalas itong itinatampok sa bersiyong Hapones ng pambatang pagkain, okosama-ranchi (お子様ランチ).[1]

Hinango ang omu at raisu mula sa Hapones na pagbigkas ng salitang Pranses na omelette at ng salitang Ingles na rice.[3] Isang halimbawa ng wasei-eigo ang pangalan na ito.

May ilang mga kuwento tungkol sa pinagmulan ng omurice. Ayon sa isang kuwento, naimbento ito noong pagwawakas ng ika-20 siglo[3] sa isang Kanluraning restoran sa Renga-tei , isang distrito ng Ginza sa Tokyo, nabigyang-inspirasyon ng chakin-zushi.[4]

Ayon sa isa pang kuwento, nagmula noong 1925 sa isa pang Kanluraning restoran – Hokkyokusei sa Minami, Osaka – nang nagdesisyon ang isang kusinero na pasiglahin ang order ng isang regular na kostumer ng torta sa paglalagay ng kanin.[5]

Mga baryasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tipikal na binubuo ang putahe ng chikin raisu (ja) (kani't manok: kanin na pinirito sa kawali kasabay ng ketsap at manok) na binalutan ng manipis na binating itlog. Nag-iiba-iba ang mga sahog na nagpapalasa sa kanin. Kadalasan, ipiniprito ang kanin kasama ng iba't ibang karne (tipikal ang manok) o mga gulay, at maaaring timplahan ng sabaw ng baka, ketsap, demi-glace, sarsang puti o kahit asin at paminta lang. Paminsan-minsan, pinapalitan ang kanin ng pritong pansit (yakisoba) para makagawa ng omusoba. Isang baryante sa Okinawa ang omutako, na binubuo ng torta sa ibabaw ng taco rice. Sikat din ang paglalagay ng pritong hot dog at spam sa putahe.

Isa pang baryasyon ang volga rice, na nilalagyan ng kinatsung baboy na natatakpan ng mga mumo at binubuhusan ang buong putahe sa malinamnam na sarsa.[6][7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Omuraisu (also known as omurice or omu rice, Japanese rice omelet)" [Omuraisu (kilala rin bilang omurice o omu rice, Hapones na tortang kanin], JustHungry.com.
  2. Paxton, Norbert (2008). The Rough Guide to Korea , pa.249. ISBN 978-1-4053-8420-9.
  3. 3.0 3.1 Shimbo, Hiroko (2000). The Japanese Kitchen [Ang Kusinang Hapones] (sa wikang Ingles), pa.148. ISBN 1-55832-177-2.
  4. Kishi Asako (Marso 15, 2002). "NIPPONIA No.20: Omuraisu", Web-Japan.org.
  5. "Omu-rice". Osaka Info (sa wikang Ingles). Osaka Convention and Tourism Bureau. Nakuha noong 27 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Japanese traditional recipes with "Kamisho Satoimo" from Fukui" [Mga tradisyonal na resiping Hapones na may "Kamisho Satoimo" mula sa Fukui]. WOW U-media (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hulyo 19, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Volga Rice - 【郷土料理ものがたり】". kyoudo-ryouri.com. Nakuha noong Hulyo 19, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)