Oradea
Ang Oradea (Unggaro: Nagyvárad, Aleman: Großwardein) ay isang lungsod na matatagpuan sa Rumanya, sa kondado ng Bihor, sa Transylvania. May populasyon na 206,527 (ayon sa sensus ng 2002) ang poblasyon, ngunit hindi kasama dito ang mga lugar sa labas ng bayan; maaaring mga 220,000 ang populasyon ng buong kalakhan. Isa sa mauunlad na lungsod sa Rumanya ang Oradea.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matatagpuan malapit sa hangganan ng Unggarya ang Oradea, sa Ilog Crisul Repede.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang nabanggit ang Oradea, sa pangalang Latin na Veradinum noong 1113. Unang nabanggit noong 1241 ang Citadel of Oradea, makakata pa rin ang mga guho nito ngayon, dahil sa simula ng mabilisang pagkumpuni at pagtitibay na kailangan upang mahadlangan ang mga pagsalakay ng mga Mongol-Tatar sa lungsod. Gayun pa man, nagsimulang magkaroon ng pook na urban ang lungsod noong ika-16 na siglo lamang. Sa taong 1700s, plinano ng inhinyerong Viennese na sa Franz Anton Hillebrandt ang lunsod ayon sa istilong Baroque at, simula noong 1752, maraming palatandaan ang ginawa gaya ng Roman-Catholic Cathedral, ang Bishop's Palace, at ang Muzeul Ţării Crişurilor (Ang Museo ng mga Lupain ng Criş).
Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matagal nang naging isa sa mga mauunlad na lungsod ang Oradea, dahil higit sa lahat sa kanyang lokasyon sa hangganan ng Hungary, na nagsisilbing gateway papuntang Kanlurang Europa. Kagkatapos ng 1989, hinarap ng Orodea ang maraming pagbabagong pang-ekonomiya, hindi dahil sa industriya ngunit sa sektor pangserbisyo, dahil mahalagang base ng consumers nito.
Mayroong unemployement rate na 6.0% ang Oradea, mas mababa ng bahagya sa Romanian average ngunit mas mataas sa Bihor county na may average na mga 2%. Nagtutustos ang Oradea sa kasalukuyan ang mga 63% sa produksiyong industriyal ng Bihor county na bumubuo lamang ng mga 34.5% ng populasyon ng county. Kasangkapan, tela at mga damit, kasuotang pampaa at pagkain ang kanyang pangunahing industriya.
Noong 2003, nagbukas ng Lotus Market commercial center sa Oradea, ito ang unang malaking shopping center na nagbukas sa lungsod.
Lahi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Makasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1910: 69.000 (Romanian: 5.6%, Hungarian: 91.10%)
- 1920: 72.000 (R: 5%, H: 92%)
- 1930: 90.000 (R: 25%, H: 67%)
- 1966: 122.634 (R: 46%, H: 52%)
- 1977: 170.531 (R: 53%, H: 45%)
- 1992: 222.741 (R: 64%, H: 34%)
Kasalukuyan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa buong populasyon, ayon sa sensus ng 2002, ang sumusunod ang pagahahatihati ayon sa lahi:
- Romanian: 145,295 (70.4%)
- Unggaro: 56,830 (27.5%)
- Roma: 2,466 (1.2%)
- Aleman: 566 (0.3%)
- Slovak: 477 (0.2%)
- Hudyo: 172
- Ukrainian: 76
- Bulgaro: 25
- Russian: 25
- Serb: 17
- Czech: 9
- Turk: 9
Distrito
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binubuo ang lungsod ng mga sumusunod na distrito na tinatawag na cartiere sa wikang Romanian.
Transportasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinapatakbo ng Oradea Transport Local o OTL ang network ng transportasyong pampubliko. Binubuo ito ng tatlong tram lines (1R, 1N, 2, 3R, 3N) at ilang bus lines. Mayroong tatlong estasyon ng tren ang lungsod, central, Vest, at Est. Ang Vest Station ay matatagpuan sa distrito ng Iosia, at ang central station (mas kilala na Oradea) ay matatagpuan sa gitna ng lungsod, malapit sa distrito ng Vie.
Arkitektura
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang arkitektura ng Oradea ay paghahalo ng konstruksiyon ng panahong Communist, karamihan sa mga distritong panlabas, at ng magagandang makasaysayang gusali, karamihan sa istilong Baroque, mga labi ng panahon na ang lungsod ay bahagi ng panahong Austro-Hungarian.
Sa panahon ng Communism at ng mga unang taon ng pagbabago pagkatapos ng panahon ng Communism ng Romania, marami sa mga makasaysayang lungsod na ito ay napabayaan o di na kaaya-aya ang anyo. Pagkatapos ng 2002, nang ang Romania ay pumasok sa panahon ng paglakas ng ekonomiya, maraming makasaysayang gusali ng lungsod ay napanumbalik sa kanilang dating kalagayan at sa kasalukuyan, ang lungsod ay nagtataglay ng makasaysayan at maayos na dating.
Atraksiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang magandang sentro ng lungsod ay karapat-dapat na mabisita, pati na rin ang mga Baile Felix health spa na maaring marating sa pamamagitan ng tren na matatagpuan sa labas ng lungsod.
Ang mga lugar na karapat-dapat mabisita ay ang mga sumusunod:
- Muzeul Ţării Crişurilor - isang kahanga-hangang museong Baroque na may tanyag na 365 bintana.
- Catedrala barocă - ang pinakamalaking Baroque na cathedral sa Romania
- Cetatea Oradea - Fortress ng Oradea, na hugis pentagon
- Biserica cu Lună - Ang tanging simbahan sa Europa na may kayariang mala-orasan na nagiging palatandaan ng phases ng buwan
- Muzeul "Ady Endre" - ang bahay ng isa sa kahanga-hangang makatang Hungarian
- Teatrul de Stat - Ang State Theatre, na ang mga plano ay dinisenyo ng dalawang Austrian na arkitekto na nakapagpatayo ng mga 100 teatro at opera houses sa Europa sa pagtatapo ng ika-19 na siglo.
- Mayroong mga 100 simbahan ng iba't ibang relihiyon sa Oradea, ang tatlo dito ay mga synagogue (ngunit isa lang dito ang ginagamit pa rin) at ang pinakamalaking simbahang Baptist sa Silangang Europa.