Oscar Zalameda
Si Oscar Zalameda (ipinanganak noong Setyembre 24, 1930 sa Lucban, Quezon[1] - namatay noong 10 Hulyo 2010[2]), na binabaybay ding bilang Oscar de Zalameda, ay isang alagad ng sining mula sa Pilipinas.
Pinag-aralan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1949, nagtapos ng hayskul si Zalameda mula sa Hayskul ng Tayabas (nakikilala sa ngayon bilang Pambansang Hayskul ng Quezon) sa Lungsod ng Lucena. Pagdaka ay nag-aral siya sa Pamantasan ng Santo Tomas kung saan natanggap niya ang degri sa Sining (Belyas-Artes). Naging bahagi siya ng Liga ng Sining ng California sa San Francisco, California sa Estados Unidos. Nag-aral siya ng mga pamamaraan sa paggawa ng mga mural (mga larawang nakapinta sa pader) sa Mehiko.[1]
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Namatay si Zalameda noong 10 Hulyo 2010, sa edad na 79, habang nasa Mount Carmel General Diocesan General Hospital ng Lungsod ng Lucena pagkaraang maospital simula noong Mayo 25, 2010 dahil sa isang nagtatagal nang mga karamdaman. Isinagawa ang lamay para sa kaniyang bangkay sa parokyang Katoliko ng simbahan ng Lucban. Bago siya namatay, nagpasya si Zalameda na maglagi sa isang tirahan na nasa may paanan ng Bundok ng Banahaw.
Mga parangal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong dekada ng 1970, napabilang si Zalameda sa mga taong nakatanggap ng taunang Medalya ng Karangalan mula sa Lungsod ng Quezon. Noong 2006, ginawaran siya ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Gloria Macapagal-Arroyo ng Medal of Merit (Medalya ng Kahusayan) sa Palasyo ng Malacañang, dahil sa mga naiambag niya sa kultura ng Pilipinas. Si Zalameda ay naging isang paboritong artista ng sining ng dating Unang Ginang ng Pilipinas na si Imelda Marcos.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 ZALAMEDA, OSCAR Naka-arkibo 2014-08-11 sa Wayback Machine., sinasabi sa sangguniang ito na ipinanganak siya noong 1942, www.artverite.com
- ↑ 2.0 2.1 Mallari, Jr. Delfin. Top Filipino painter Oscar de Zalameda, 79, dies, Inquirer Southern Luzon