Ospital ng Pilipinas sa Maysakit sa Baga
Kailangang isapanahon ang artikulong ito.(Mayo 2020) |
Ang Ospital ng Pilipinas sa Maysakit sa Baga (Ingles: Lung Center of the Philippines o LCP) ay isang tersiyaryong ospital ng gobyerno na nagdadalubhasa sa panghadlang at lunas ng mga sakit sa baga at iibang sakit sa dibdib, na matatagpuan sa Abenida Quezon, Lungsod Quezon. Nakatatanggap ang sentro ng suporta sa badyet para sa kanyang pagpapatakbo mula sa pambansang pamahalaan.[1] Naitayo ito sa pampublikong lupa na ibinigay ng Pambansang Pangasiwaan sa Pabahay.[2]
May kapasidad ng 210 higaang pang-ospital ang LCP.[2]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ito noong Enero 16, 1981 ni Pangulong Ferdinand Marcos sa ilalim ng Kautusan ng Pangulo Blg. 1823 bilang korporasyong di-nagtutubo at walang sapi.[3] Iniuugnay ang gusali sa tinutukoy bilang "kompleks edipisyo" ng mga Marcos[4][5] na binigyang-kahulugan ni arkitektong Gerard Lico bilang "pagkahumaling at pamimilit na magtayo ng mga edipsyo bilang palatandaan ng kadakilaan."[6]
Ipinasailalim ang LCP sa pangangasiwa ng Ministeryo ng Kalusugan (Kagawaran ng Kalusugan ngayon) ni Pangulong Corazon Aquino noong Enero 29, 1986, sa ilalim ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 34.[7][8] Ang layunin ng kanyang paglilikha ay upang magbigay ng pangangalagang pangkalusugan na nakatuon sa mga sakit sa baga.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Philippine National Health Accounts 2005-2011" (PDF). National Statistical Coordination Board. Oktubre 2013. ISSN 1655-8936.
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "History". lcp.gov.ph. Disyembre 4, 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-09-01. Nakuha noong 2019-03-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "P.D. No. 1823". The LawPhil Project. 16 Enero 1981. Nakuha noong 18 Abril 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Masagana 99, Nutribun, and Imelda's 'edifice complex' of hospitals". GMA News Online (sa wikang Ingles). Setyembre 20, 2012. Nakuha noong 2019-03-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Afinidad-Bernardo, By Deni Rose M. "Edifice complex | 31 years of amnesia". The Philippine Star. Nakuha noong 2019-03-31.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Villa, Kathleen de (Setyembre 16, 2017). "Imelda Marcos and her 'edifice complex'" (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 2019-03-31.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "E.O. No. 34". The LawPhil Project. 29 Hulyo 1986. Nakuha noong 18 Abril 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ An anarchy of families : state and family in the Philippines. Madison, Wis.: University of Wisconsin Press. 2009. p. 418. ISBN 978-0-299-22984-9. OCLC 223848773.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.