Pumunta sa nilalaman

Otto Wilhelm Thomé

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Otto Wilhelm Thomé
Kapanganakan22 Marso 1840[1]
  • (Cologne Government Region, Hilagang Renania-Westfalia, Alemanya)
Kamatayan26 Hunyo 1925
MamamayanAlemanya
Trabahobotanical illustrator, ilustrador, botaniko, pintor, mycologist, pedagogo

Si Otto Wilhelm Thomé (1840 - 1925) ay isang botanikong Aleman at pintor ng mga larawan ng mga halaman, na nagmula sa Cologne. Napabantog siya dahil sa pagkakagawa niya ng kalipunan ng mga larawang maka-botanika, ang "Flora von Deutschland, Österreich und der Schweiz in Wort und Bild für Schule und Haus" (Halaman ng Alemanya, Austria at Switzerland na may naisatitik na mga paliwanag at mga larawan para sa paaralan at tahanan).[2] Pinakauna ito sa apat na mga aklat na naglalaman ng mga 572 larawang pang-botanika. Nalimbag ito sa Gera, Alemanya noong 1885. Sinundan pa ito ng 8 aklat na idinagdag ni Walter Migula sa muling paglilimbag ng kalipunan noong 1903.[3]

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga larawang iginuhit ni Thomé:

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. German National Library; Aklatang Estatal ng Berlin; Bayerische Staatsbibliothek; Österreichische Nationalbibliothek, Gemeinsame Normdatei (sa wikang Aleman), GND 11735046X, Wikidata Q36578, nakuha noong 9 Abril 2014
  2. "Flora von Deutschland, Österreich und der Schweiz". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-06-01. Nakuha noong 2008-02-28.
  3. Walter Migula

Siyentipiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Siyentipiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.