Pumunta sa nilalaman

Padron:Unang Pahina/Artikulo/Ahedres

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga piyesa ng ahedres sa simula ng laro.
Mga piyesa ng ahedres sa simula ng laro.

Ang ahedres (mula sa Kastila: Ajedrez; Ingles: Chess) ay isang larong tabla para sa dalawang naglalabang manlalaro. Kung minsang tinatawag na kanluraning ahedres o pandaigdigang ahedres upang maipagkaiba ito mula sa mga naunang uri o ibang kahalintulad (baryasyon) ng larong ahedres. Lumitaw ang pangkasalukuyang porma ng laro mula sa Katimugang Europa noong pangalawang kalahati ng ika-15 siglo matapos na mahubog mula sa katulad at may matandang mga laro na may simulain sa Indya. Sa ngayon, isa sa mga pinakabantog na mga laro ang ahedres, na nilalaro ng milyon-milyong ng mga tao sa buong mundo sa mga kapisanang pang-ahedres, sa internet o desktop application, sa pamamagitan ng pamamaraang tugunan o pakikipagkalatasan, sa mga torneo at sa mga hindi pormal o hindi opisyal na pagkakataon o libangan lamang. May mga aspeto ng sining at agham na makikita sa kabuuan ng ahedres at maging teoriya din. Ipinamamahagi rin ang ahedres bilang isang daan na nagpapainam sa kakayahan ng diwa o isip. Nilalaro ang laro sa ibabaw ng isang parisukat na tablang may 64 na maliliit pang parisukat na may dalawang magkaibang kalimliman ng kulay. Sa simula, bawat manlalaro (puti at itim) ang nagmamando sa labinganim na mga piyesa ng ahedres: isang hari, isang reyna, dalawang tore, dalawang obispo, dalawang kabalyero (tinatawag ding kabayo), at walong mga kawal (Ingles: pawn). Layunin ng laro ang mabitag (Ingles: checkmate) ang kalabang hari, kung saan ang hari ay agad na napailalim sa isang paglusob at wala nang ibang paraan upang alisin ito sa pagkakasilo sa susunod na galaw.