Pag-ipit ng mga tao sa PhilSports Stadium ng 2006
Oras | 6:00 A.M. (PST) |
---|---|
Petsa | 4 Pebrero 2006 |
Lugar | PhilSports Football and Athletics Stadium, Pasig, Metro Manila, Philippines |
Kilala rin bilang | ULTRA stampede Wowowee stampede |
Uri | Crowd crush |
Mga namatay | 73 |
Mga nasugatan | 400 |
Ang Pag-ipit ng mga tao sa PhilSports Stadium, ay naganap bandang alas-sais ng umaga ng 4 Pebrero 2006, mayroong hindi bababa sa 73 katao ang naapakan hanggang mamatay at mas marami sa 300 ang nasugatan nang nagkaroon ng isang stampede sa PhilSports Complex (ULTRA) stadium sa Lungsod Pasig sa Pilipinas, kung saan gaganapin ang unang taon ng palatuntunang Wowowee sa tanghali ng araw na iyon. Nagsimula ang stampede nang namahagi ang mga organizer ng palatuntunan ng tiket sa mga tao, karamihan sa mga ito ay nag-camping sa labas ng stadium ng ilang araw.[1]
Insidente
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinasabi ng ilang sources na libu-libong tao ang nagsimulang pumila sa entrance ng stadium ang nag-panic nang mayroong sumigaw na may bomba. [2] Ayon kay Mayor Vicente Eusebio ng Lungsod Pasig, maaring may pagkukulang din ang mga producer at organizer dahil nalampasan na ang kapasidad ng stadium, lalo na sa bilang ng tao na naroon sa lugar na manunuod ng programa. Sinisi naman ni Philippine National Red Cross Chairman at Senador Richard Gordon ang hindi magandang organisasyon ng pangyayari sa trahedya.
Dahil sa trahedya, napagdesisyonan ng ABS-CBN na kanselahin ang programa ng isang buwan. Nangako si Gabby Lopez, pangulo ng kompanya, na mamimigay ng saklolo at pinansiyal na tulong sa mga biktima at ng kanilang pamilya.[3]
Itinatag ni National Capital Region Police Office Director General Vidal Querol ang Task Force Ultra upang imbestigahan ang pinagmulan ng tradehya.