Pumunta sa nilalaman

Pagkakaiba sa pagitan ng COVID-19 at Influenza

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Influenza coronaviruses
Ang Influenza A
Ang SARS-CoV-2 o "COVID-19"

Ang (COVID-19 o coronabirus) at (Influenza o trangkaso), ay ang dalawang uri ng birus na nagsasanhi ng paglaganap, epidemya at pandemya na nagdudulot ng malalang kaso sa loob ng katawan ng tao, may mga pagkakaparehas ang sintomas ng COVID-19 at Influenza, pagkakaroon ng mga: lagnat, ubo, sipon, tonsilitis, sakit ng ulo (headache), sakit ng katawan (bodyache), pagkapagod, pamamantal, pagsusuka at pagtatae, maliban sa palatandaan ng kawalan ng panlasa/ pang-amoy at hirap, kulang sa paghinga.[1][2]

Lumilitaw ang Influenza sa loob ng 1-3 na araw at umaabot ito o nagtatapos sa loob ng 2-8 na araw. Una ay mararamdaman ang Karaniwang sipon, ubo, sinat at pagkahilo ang pasyenteng impektado ng Influenza (trangkaso). Ang COVID-19 ay matapos ang exposure o contact tracing sa loob ng 5-7 na araw ay sasailalim sa loob ng 14 araw na kuwarantina ang isang pasyenteng positibo sa Covid-19.[3]

Noong agosto 2021 ng pumalo ang mga kaso ng COVID-19 na aabot sa 200,000,000+ milyon ang mga nagpositibo sa sakit.[4]

Ugaliin ng isang tao ang paghuhugas ng kamay, pagpapabakuna, distansiyang higit sa 1 metro at pagsusuot ng mga face masks at face shields.[5]

Ang pagpapakita ng sintomas ng Influenza

Ang seasonal flu (trangkaso) ay lumilitaw sa loob ng 1-2 na araw matapos nitong mahawaan ang isang exposure na tao sa loob ng isang lugar, pook at iba pa, Ang Influenza ay karaniwang sakit na lumalabas dahil sa pabago-bagong klima o ang iba ay nanggaling sa mga hayop na madaling makapang-hawa (nature made), Mayroong at may iba-ibang tipo (type) ang "flu" ito ang mga genus: Influenza A virus (Alpha), Influenza B virus (Beta) at Influenza C virus (Gammavirus) at Influenza D virus (Delta). Ang Influenza ay mas mabilis makahawa lalo na't magkakasama ang magkakapamilya na may malapit na distansya sa bawat isa. Nakukuha rin ang influenza sa mga sakit na nagmumula sa Trangkasong pang-ibon at Trangkasong baboy.[6][7]

Mga sintomas

cough.

  • Tonsil
  • Paguuhog/baradong ilong
  • Pananakit ng katawan
  • Sakit ng ulo
  • Pagkapagod
  • Pagsusuka at pagtatae na karaniwang nararanas ng mga bata, nasa gitnang edad at matatanda.
Ang pagpapakita ng sintomas ng Coronavirus

Ang Coronavirus "COVID-19" o "2019-nCoV", ay isang mala-pulmonyang-trangkaso na nagsasanhi ng pagbagsak ng katawan dulot ng RNA virus ng SARS-CoV-2 na naiitala sa bansang Tsina noong 2003 at 2019, Ang Coronavirus kasama ang mga Mga baryante ng SARS-CoV-2 ay lubos na nakakahawa, Katulad ng trangkaso, may iba't-ibang uri o tipo ang COVID-19, ito ang mga Alpha, Beta, Gamma, Delta, Eta, Epsilon, Iota, Lambda, Theta at iba pa, Ang mga karaniwang sintomas nito ay kawalan ng panlasa, pang-amoy at hirap sa paghinga (baga'ng kapos), Ang paghawa ng "COVID-19" kapag ang isang positibo ay umubo at bumahing na nakukuha sa maliliit na patak ng laway (droplets) at sasama o madadala sa hangin, Kadalasang nakukuha ito sa mga nakahahawakan o ng mga kontamidong bagay na madalas mahawakan, pagdampi ng kamay sa bibig, ilong at mata.[8]

Mga karaniwang sintomas
  • Lagnat
  • Tuyong ubo
  • Pagkapagod
Mga ibang sintomas
  • Pananakit at pangingirot
  • Tonsil
  • Pagtatae
  • Pamumula ng mata
  • Pananakit ng ulo (headache)
  • Kawalan ng pang-amoy/lasa
  • Pamamantal sa balat/Pagkawala ng mga kulay ng kuko sa mga daliri
Seryosong sintomas
  • Nahihirapan at kulang sa paghinga
  • Pananakit ng dibdib/presyon
  • Kawalan ng pananalita/hirap sa paggalaw

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]