Pagkakaibang Hilaga-Timog sa wikang Koreano
Malaki ang pinagbago ng wikang Koreano sa pagitan ng dalawang estado dahil sa haba ng panahon ng pagkakahiwalay ng Hilaga at Timog Korea.[1]
Ang Palatitikang Koreano, bilang itinakda ng Lipunan ng Wikang Koreano noong 1933 sa "Pagpapanukala para sa Pinag-isang Palatitikang Koreano" (Koreano: 한글 맞춤법 통일안; RR: Hangeul Matchumbeop Tong-iran) ay ipinagpatuloy sa paggamit ng Hilaga at Timog matapos ang liberasyon ng Korea noong 1945, ngunit sa pagkakatatag ng Demokratikong Pangmadlang Republika ng Korea (hilaga) at ng Republika ng Korea (timog) noong 1948, nagkaroon ang dalawang estado ng mga pagkakaiba ng patakaran sa paggamit sa wika. Noong 1954, inalis ng Hilagang Korea ang mga patakaran sa paggamit ng Palatitikang Koreano (조선어 철자법 Chosŏnŏ Chŏljabŏp). Baga ma't naging munting pagbabago lang iyon sa palatitikan (ortograpiya) na naglikha ng maliit na pagbabago doon sa ginagamit sa timog, mula roon, unti-unting nagbago mula sa isa't isa ang pamantayang wika sa Hilaga at Timog.
Noong mga panahong 1960, sa ilalim ng impluwensya ng ideolohiyang Juche ay dumating ang isang malaking pagbabago sa mga patakarang pangwika sa Hilagang Korea. Noong Enero 3, 1964 ay inilabas ni Kim Il-sung ang kaniyang mga turo ukol sa "Ilan sa mga Suliranin sa Pagpapaunlad ng Wikang Koreano" (조선어를 발전시키기 위한 몇 가지 문제 Chosŏnŏrŭl Paljŏn Siki'gi Wihan Myŏt' Kaji Munje), at noong Mayo 14, 1966, ukol sa paksang "Sa Wastong Pagtatama ng mga Pambansang Katangian ng Wikang Koreano" (조선어의 민족적 특성을 옳게 살려 나갈 데 대하여 Chosŏnŏŭi Minjokchŏk T'ŭksŏngŭl Olge Sallyŏ Nagal Te Taehayŏ), kung saan ang mga patakarang sa "Pamantayang Wikang Koreano" (조선말규범집 Chosŏnmalgyubŏmjip) ay umiral sa taon ding iyon, ayon sa pagkakalabas ng Kumite ng Rebisyon ng Pambansang Wika na direktang nasa ilalim ng pangangasiwa ng gabinete. Mula noon, marami pang pagkakaiba ang umiral sa pagitan ng pamantayang wika ng Hilaga at Timog. Noong 1987, binago ng Hilagang Korea ang mga naunang patakaran, at nananatili pa rin iyong ginagamit magpa-hanggang ngayon. Bukod pa roon, ang mga patakaran sa paglalagay ng espasyo ay hiwalay na inihain sa "Pamantayang Alintuntunin sa Paglalagay ng Espasyo sa Pagsusulat ng Koreano" (조선말 띄여쓰기규범, Chosŏnmal Ttŭiyŏssŭgigyubŏm) noong 2000 ngunit pinalitan na ng "Mga Alituntunin Para Sa Paglalagay ng Espasyo ng Pagsusulat ng Koreano" (띄여쓰기규정, Ttŭiyŏssŭgigyujŏng), na inilimbag noong 2003.
Ipinagpatuloy ng Timog Korea ang paggamit ng Hangeul Matchumbeop Tong-iran gaya ng pagkakatakda nito noong 1933, hanggang sa pagkaka-amyenda nito, ang "Palabaybayang Koreano" (한글 맞춤법 Hangeul Matchumbeop), kasama ng "Mga Regulasyon ng Pamantayang Wika" (표준어 규정, Pyojuneo Gyujeong), ay nailimbag noong 1988, na nananatiling ginagamit ngayon.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Sang-Hun, Choe (30 Agosto 2006). "Koreas: Divided by a Common Language". The New York Times/ International Herald Tribune. Nakuha noong 16 Agosto 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.