Pumunta sa nilalaman

Pagmamana ng katangian

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pagmamana ng mga katangian)

Ang pagmamana ng katangian ay ang pagpapasa ng mga katangian ng mga magulang (o ng mga ninuno) papunta sa mga anak o supling. Isa itong proseso kung saan ang supling na selula o organismo ay nakakakuha o nagiging nakalantad sa mga katangian ng magulang nitong selula o organismo. Sa pamamagitan ng pagkakamana ng katangian, ang mga pagkakaiba-ibang ipinapikita ng mga indibiduwal ay maaaring maipon at makasanhi ng isang uri upang sumailalim sa ebolusyon. Sa larangan ng biyolohiya, tinatawag na henetika ang pag-aaral ng pagmamana ng mga katangian, na kinabibilangan ng larangan ng epihenetika. Kaugnay din ng pagmamana ng katangian ang tinatawag na linya ng lipi o guhit ng lahi o pinaglahian.

Biyolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.