Pagpapaunlad ng pamayanan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ayon sa kahulugan na ibinigay ng United Nations, ang pagpapaunlad ng pamayanan[1] ay tumutukoy sa isang proseso na kung saan ang mga kasapi ng isang pamayanan ay nagkakaisa upang sama-samang kumilos at maghanap ng lunas sa mga pangkaraniwang suliranin. Ito ay katagang may malawak na pakahulugan ayon sa gawain ng mga pinunong sibiko, mga aktibista, mga kasapaing mamamayan, at mga propesyunal na may kinalaman sa pagpapabuti ng iba't-ibang aspeto ng mga komunidad, na kadalasan ay naglalayong gawing mas matatag at mas matibay ang mga lokal na mga komunidad.

Ang pagpaunlad ng pamayanan ay naglalayon na mabigyan ng kapangyarihan ang mga indibiduwal at pangkat ng mga tao sa pamamagitan ng mga kasanayan na kakailanganin nila upang magbigay daan sa pagbabago sa kanilang pamayanan. Ang mga kasanayang ito ay kadalasang nabubuo sa pamamagitan ng paghubog ng malalaking mga pangkat panlipunan na kumikilos tungo sa isang magkatulad na tala ng pag-uusapan. Kailangang maunawaan ng mga nagsusulong sa pamayanan kung paano makipag-ugnayan sa mga indibidwal at sa kung anong paraan makakaapekto sa posisyon ng mga komunidad na nasa konteksto ng isang malaking institusyong panlipunan.

Ang pagpaunlad ng pamayanan, bilang isang kataga, ay malawakang ginagamit sa mga bansang Anglophone tulad ng Estados Unidos, United Kingdom, Australia, Canada at New Zealand at iba pang mga bansa sa Commonwealth. Ito ay ginagamit din sa mga bansang nasa silangang Europa na may aktibong samahan ng pagpapaunlad ng pamayanan sa Hungary at Romania. Mula pa 1966, ang Community Development Journal na limbag ng Palimbagan ng Pamantasan ng Oxford, ay naglalayon na magsisilbing pangunahing usapin para sa pananaliksik at pagpapalaganap ng teorya at pagsasanay hinggil sa internasyunal na pagpaunlad ng pamayanan.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Unibersidad ng Pilipinas Diliman