Pumunta sa nilalaman

Pagsasala

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pagsasala (sa Ingles: decantation) ay ang proseso ng paghihiwalay ng mga halo, sa pamamagitan ng pagtanggal ng isang suson ng likido kung saan ang namuo ay napalagian. Ang layunin ay maaaring bumuo ng malinis na sinala, o alisin ang hindi kanaisnais na likido mula sa namuo (o iba pang mga suson). Kung ang layunin ay makabuo ng isang malinis na timplada, ang maliit na halaga ng timplada ay iiwan sa lalagyanan, at dapat ingatan upang maiwasan ang anumang namuo na umagos kasama ng timplada palabas ng lalagyan.

Ang halo ng isang hindi nalulusaw na solido sa likido ay pinababayaang manatili. Ang solidp ay hindi nalulusaw at mananatiling nasa ilalim kapag ito ay pinabayaan lamang. Ang prosesong ito ay tinatawag na sedimentasyon. Ang centrifuge ay maaaring gamitin sa pagsala ng timplada. Ang centrifuge ang nagiging sanhi ng namuo na pumunta sa ilalim ng lalagyanan; kung sapat na malakas ang puwersa, maaaring bumuo ng isang pipis na solido. Pagkatapos maaaring mas madaling ibuhos ang likido, habang mananatili ang namuo sa kanyang siksik na anyo. Katulad ng halo ng dalawang hindi nahahalong likido ito rin ay maaaring isala upang makuha ang langis. Ang isang halo ng kerosin at tubig ay maaaring paghiwalayin gamit ang pagsasala.

Ito ay madalas gamitin upang linisin ang likido sa pamamagitan ng paghiwalay nito mula sa suspensyon ng mga hindi nalulusaw na partikula (hal. sa red wine o alak na mula sa ubas, kung saan ang [[alak] ay nasala mula potassium bitartrate crystals). Para makuha ang sample ng malinaw na tubig mula sa maputik na tubig, iiwanan lamang ang maputik na tubig hanggang ang putik ay manatili, at oagkatapos ay ibubuhos ang malinaw na tubig sa ibang lalagyan.

Kimika Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.