Pagkain
Ang pagkain ay anumang masustansiya na karaniwang kinakain o iniinom ng mga may buhay na organismo. Kabilang sa katagang pagkain ang mga likido na inumin. Isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng enerhiya at ng nutrisyon para sa mga hayop, at karaniwan galing ito sa mga ibang hayop o halaman. Agham ng pagkain ang tawag sa pag-aaral ng pagkain. Ang World Food Day (Pandaigdigang Araw ng Pagkain) ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Oktubre 16.
Kadalasang nagmula ang pagkain sa halaman, hayop, o halamang-singaw, at naglalaman ng mahalagang sustansya tulad ng karbohidrata, taba, protina, bitamina, o mineral. Ang sustansya ay kinakain ng isang organismo at nagiging bahagi ng mga selula ng organismo upang magbigay ng enerhiya, mapanatili ang buhay, o pasiglahin ang paglago. May iba't ibang kaugalian sa pagkain ang iba't ibang mga espesye ng hayop na mapawi ang mga pangangailangan ng kanilang mga metabolismo at nag-ebolusyon upang punan ang partikular na kaangkupang pang-ekolohiya sa loob ng partikular na mga kontekstong pang-heograpiya.
Ang mga taong omniboro ay napakadaling bumagay at nagkaroon ng adapsyon na makukuha ng pagkain sa maraming iba't ibang mga ekosistema. Pangkalahatang ginagamit ng mga tao ang pagluluto upang ihanda ang pagkain para kainin. Tinutustusan ng karamihan ng enerhiya ng pagkain sa pamamagitan ng industriya ng pagkain, na gumagawa ng pagkain sa pamamagitan ng masinsinang agrikultura at ipinapamahagi ito sa pamamagitan ng komplikadong pagproseso ng pagkain at mga sistema ng pamamahagi ng pagkain. Mabigat na umaasa ang sistemang ito ng nakasanayang agrikultura sa mga panggatong na posil, na nangangahulugang na ang pagkain at mga sistemang pang-agrikultura ay isa sa pangkalahatang tagapag-ambag sa pagbabago ng klima, na bumibilang sa kasing dami ng 37% ng kabuuang total mga emisyon ng gas na greenhouse o pasibulan.[1]
May mahalagang epekto ang sistema ng pagkain sa malawak na lawak ng mga isyung panlipunan at pampolitika, kabilang ang likas-kaya, pagkakaiba-ibang pambiyolohiya, ekonomika, paglago ng populasyon, panustos ng tubig, at seguridad sa pagkain. Minomonitor ang kaligtasan at seguridad sa pagkain ng mga ahensiyang pandaigdigan tulad ng International Association for Food Protection (Internasyunal na Asosasyon para sa Proteksyon ng Pagkain), ang World Resources Institute (Instituto ng mga Mapagkukunan sa Mundo), ang World Food Programme (Programa ng Pagkain sa Mundo), ang Food and Agriculture Organization (Organisasyon sa Pagkain at Agrikultura), at ang International Food Information Council (Pandaigdigang Konseho sa Impormasyon ng Pagkain).
Kahulugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagkain ay kahit anumang sustansya na kinakain upang magbigay ng suportang nutrisyon at magbigay ng enerhiya sa organismo.[2][3] Maaari itong hilaw, prinoseso, o pinormularyo, at kinakain sa bibig ng mga hayop para paglago, kalusugan, o kasiyahan. Pangunahin binubuo ang pagkain ng tubig, lipido, protina, at karbohidrata. Matatagpuan din ang mineral (hal., mga asin) at mga sustansyang organiko (hal., bitamina) sa pagkain.[4] Ginagamit ng mga halaman, lumot, at ilang mikroorganismo ang potosintesis upang makagawa ng sarili nilang sustansya.[5] Matatagpuan ang tubig sa maraming pagkain at binibigyan kahulugan din ito bilang pagkain mismo.[6] May mababang densidad ng enerhiya o kaloriya ang tubig at pibra o fiber, habang pinakamataas na densidad ng enerhiya ang bahaging taba.[3] Mahalaga din ang ilang elementong inorganiko (di-pagkain) para sa paggana ng halaman at hayop.[7]
Palingkurang pampagkain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang palingkurang pampagkain o industriya ng pagtutustos ng pagkain (Ingles: foodservice; sa Ingles ng Estados Unidos; catering industry) ay nagbibigay ng kahulugan sa mga negosyo, mga institusyon, at mga kompanyang nangangasiwa ng anumang pagkain na inihahanda at inihahain na nasa labas ng tahanan. Ang industriyang ito ay kinabibilangan ng mga restawran, mga kapiterya ng mga paaralan at mga ospital, mga operasyon ng pagkekeyter o pagtutustos ng pagkain, at marami pang ibang anyo.
Oras ng pagkain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Agahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang agahan o almusal (Kastila: almuerzo[8]; Inggles: breakfast) ang unang kainan makatapos bumangon sa pagtulog, na isinasagawa bago ang trabaho o gawain ng araw.
Tanghalian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang tanghalian (Kastila: comida[9]; Inggles: lunch) ang kainan pagkatanghali.
Hapunan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang hapunan (Kastila: cena; Inggles: dinner) ang pagkain sa gabi.
Merienda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang merienda o minandal ay isang kaputol ng pagkain na kadalasang mas maliit kaysa sa isang karaniwang pagkain, na pangkalahatang kinakain sa pagitan ng pangunahing mga oras ng pagkain (halimbawa, sa pagitan ng agahan at ng pananghalian; at maging sa pagitan ng tanghalian at ng hapunan).
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ SAPEA (2020). A sustainable food system for the European Union (PDF) (sa wikang Ingles). Berlin: Science Advice for Policy by European Academies. p. 39. doi:10.26356/sustainablefood. ISBN 978-3-9820301-7-3. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 18 Abril 2020. Nakuha noong 14 Abril 2020.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Food definition and meaning". Collins English Dictionary (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-01. Nakuha noong 21 Agosto 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Low-Energy-Dense Foods and Weight Management: Cutting Calories While Controlling Hunger" (PDF). Centers for Disease Control and Prevention (sa wikang Ingles). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 18 Nobyembre 2021. Nakuha noong 3 Disyembre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rahman, M. Shafiur; McCarthy, Owen J. (Hulyo 1999). "A classification of food properties". International Journal of Food Properties (sa wikang Ingles). 2 (2): 93–99. doi:10.1080/10942919909524593. ISSN 1094-2912.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "What is Photosynthesis". Smithsonian Science Education Center (sa wikang Ingles). 12 Abril 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Disyembre 2021. Nakuha noong 3 Disyembre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "CPG Sec 555.875 Water in Food Products (Ingredient or Adulterant)". U.S. Food and Drug Administration (sa wikang Ingles). 11 Pebrero 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Disyembre 2021. Nakuha noong 3 Disyembre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zoroddu, Maria Antonietta; Aaseth, Jan; Crisponi, Guido; Medici, Serenella; Peana, Massimiliano; Nurchi, Valeria Marina (1 Hunyo 2019). "The essential metals for humans: a brief overview". Journal of Inorganic Biochemistry (sa wikang Ingles). 195: 120–129. doi:10.1016/j.jinorgbio.2019.03.013. ISSN 0162-0134. PMID 30939379. S2CID 92997696. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Abril 2022. Nakuha noong 11 Abril 2022.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.personal.psu.edu/faculty/j/m/jml34/sww.pdf Naka-arkibo 2004-05-15 sa Wayback Machine.: Sa Kastila sa Pilipinas, almuerzo ang salita. Sa Kastila sa mga bansa sa labas ng Asya, desayuno ang salita.
- ↑ http://www.personal.psu.edu/faculty/j/m/jml34/sww.pdf Naka-arkibo 2004-05-15 sa Wayback Machine.: Sa Kastila sa Pilipinas, comida ang salita. Sa Kastila sa mga bansa sa labas ng Asya, almuerzo ang salita; sa Kastila sa Pilipinas, almuerzo ang salita para sa agahan.