Palabatasan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang hurisprudensiya o palabatasan ay ang teoriya, pilosopiya, kaisipan, o diwa ng mga batas.[1] Ang mga dalubhasa sa palabatasan ay umaasang makakamit ng mas malalim na pag-unawa sa kalikasan ng batas, ng pangangatuwirang legal, mga sistemang legal, at ng mga institusyong legal. May tatlong pangunahing aspeto ang palabatasan: ang batas na likas, ang hurisprudensiyang analitiko (palabatasang mapanuri), at ang hurisprudensiyang normatibo (palabatasang makapamantayan). Ang makabagong palabatasan o modernong hurisprudensiya ay nagsimula noong ika-18 daangtaon at nakatuon sa unang mga prinsipyo ng likas na batas, ng batas na sibil, at ng batas ng mga bansa (batas ng mga nasyon).[2]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]



Batas Ang lathalaing ito na tungkol sa Batas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.