Palarong Paralimpiko sa Tag-init 2008
Palaro ng {{{edition}}} Olimpiyada {{{localname}}} | |
Punong-abala | Beijing, China |
---|---|
Salawikain | One World, One Dream (Chinese: 同一个世界 同一个梦想) |
Estadistika | |
Bansa | 146 |
Atleta | 3,951 |
Paligsahan | 472 in 20 sports |
Seremonya | |
Binuksan | September 6 |
Sinara | September 17 |
Binuksan ni | |
Nagsindi | |
Estadyo | Beijing National Stadium |
Kronolohiya | |
Tag-init | Nakaraan [[Palarong Olimpiko sa Tag-init Athens 2004|Athens 2004 ]] Susunod [[Palarong Olimpiko sa Tag-init London 2012|London 2012 ]] |
Taglamig | Nakaraan [[Palarong Olimpiko sa Taglamig Turin 2006|Turin 2006 ]] Susunod [[Palarong Olimpiko sa Taglamig Vancouver 2010|Vancouver 2010 ]] |
Ang Palarong Paralimpiko sa Tag-init 2008, ang ikalabintatlong Paralimpiko, na ginanap sa Beijing, Tsina mula Setyembre 6 hanggang 17 Setyembre 2008. Ang Pangunahing Tsina ay ang bansa kung saan ipinasok ang pinakamaraming manlalaro. Gayundin sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008, ang mga kaganapan sa pangangabayo ay ginanap sa Hong Kong at mga kaganapan sa paglalayag sa Qingdao.
Humigit ng 4,200 manlalaro mula sa 148 bansa ay inaasahang maging bahagi.[1] Ito ang pinakamalaking bilang ng mga bansa sa kasaysayan ng Paralimpiko (humigit nang labindalawa kaysa sa Atenas), at maraming bansa na nakipagpaligsahan sa unang pagkakataon.[2] Ang sawikain para sa Paralimpikong 2008 ay magkatulad sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008, "Isang Daigdig, Isang Pangarap" (Tsinong pinapayak: 同一个世界 同一个梦想; Tsinong tradisyonal: 同一個世界 同一個夢想 Pinyin Tóng yige shìjìe tóng yige mèngxiang).
Ipinahayag ng Pangulo ng Pandaigdigang Lupon ng Paralimpiko (IPC) na si Philip Craven ang Palaro "ang pinakamagandang Palarong Paralimpiko kahit kailan."[3]
Beijing ay naging napili sa host ng Palarong Paralimpiko sa Tag-init 2022; ito ay pagkatapos maging ang unang lungsod kailanman sa host na pareho ay ang Palarong Olimpiko at Paralimpiko.
Pagpasa ng Sulo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimula ang pagpasa ng sulo ng Palarong Paralimpiko sa Tag-init 2008 mula sa Tian Tan (Templo ng Langit) noong Agosto 28. Pagkatapos, gumapas ang apoy sa Bulwagan ng Panalangin para sa Magandang Ani (祈年殿) at sumunod sa mga dalawang landas (ang "Landas ng Sinaunang Tsina" at "Landas ng Makabagong Tsina"). Bumalik ang mga landas sa Beijing noong Setyembre 5, at nagningas ang kawang sa Pambansang Istadyum sa panahon ng Seremonya ng Pagbubukas noong Setyembre 6.
Venues
[baguhin | baguhin ang wikitext]Padron:2008 Summer Paralympics
Nineteen competition venues were selected—seventeen in Beijing, one in Hong Kong, and one in Qingdao.[4]
- Beijing National Stadium (Birds Nest)
- Beijing National Aquatics Center (Water Cube)
- Beijing National Indoor Stadium (Fan)
- Fencing Gymnasium of Olympic Green Convention Centre
- Olympic Green Archery Field
- Olympic Green Hockey Field
- Olympic Green Tennis Centre (Flowers)
- Peking University Gymnasium
- Beihang University Gymnasium
- China Agricultural University Gymnasium
- Beijing Science and Technology University Gymnasium
- Beijing Institute of Technology Gymnasium
- Beijing Shooting Range Hall
- Laoshan Mountain Bike Course
- Workers Gymnasium
- Shunyi Olympic Rowing-Canoeing Park
- Triathlon Venue
- Hong Kong Equestrian Venues
- Qingdao International Sailing Centre
Mga sagisag
[baguhin | baguhin ang wikitext]Emblema
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang emblema, "Langit, Lupa, at Tao" (Tsino: 天、地、人), ay isang makulay na Tsinong karakter na panitik "之" (Tsino: zhī) na inestilo bilang anyong manlalaro sa tinag. Ang pula, bughaw, at luntian sa emblema ay sumasagisag ng araw, langit, at lupa.[5]
Sawikain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang sawikain ay magkatulad sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008, "Isang Daigdig, Isang Pangarap".
Maskot
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang maskot ay isang nakatutuwang guhit na baka na nagngangalang Fu Niu Lele (Tsino: 福牛乐乐), ibig sabihin "Masuwerteng Baka 'Masaya'".[6]
Tikhang awit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang awit ng palaro, na inawit ng kilala ng marami at sikat na Kantonesong mang-aawit na si Andy Lau ay 'Lumilipad na may Pangarap (Flying with the Dream)'.[7]
Ang palaro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga palakasan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dalawampung palakasan ay nasa programa:
|
|
|
Nagkaroon ng unang pagpapalabas ang pagsasagwan sa Paralimpiko sa palarong ito.
Kalendaryo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Padron:2008 Summer Paralympics Calendar
Mga lumahok na NPC
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga sumusunod na Pambansang Lupon ng Paralimpiko ay nagpadala ng mga delegasyon upang makipagpaligsahan.[8] Ang Makaw at Mga Pulo ng Faeroe ay mga kasapi ng Pambansang Lupon ng Paralimpiko, nguni't hindi ang Pambansang Lupon ng Olimpiko; kaya sila ay lumalahok sa Palarong Paralimpiko nguni't hindi ang Olimpiko.
Seremonya ng pagbubukas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang seremonya ng pagbubukas ay ginanap noong 6 Setyembre 2008. Ang pagsasagawa ng paghahanda ng seremonya ay isang panunuran ng mga iba't ibang pagsasagawang pangmusika, isinasaayos mula sa musikang pangmilitar sa katutubong musika at isang pagtatanghal ng Oda ng Kaligayahan.[9] Kasunod ang baligtad na pagbibilang, isang palabas ng mga paputok ay nagpapahiwatig ng simula ng opisyal na seremonya. Pagkatapos, itinaas ang pambansang watawat ng Tsina, alinsunod sa karaniwang protokol, at ang pagtatanghal ng pambansang awit ng Tsina.[9] Ang mga nagtanghal na nagsuot ng mga maliliwanag at makukulay na trahe ay nagparada sa kabilugan ng istadyum, bilang isang pambungas na seremonya na may kasunod na pagpasok ng mga manlalaro.[9] Gayundin ang Olimpikong Tag-init 2008, kabilang sa seremonya ang parada ng mga bansa, na may tagapagdala ng watawat para sa bawat pambansang kuponan. Kabaligtaran sa nakaugaliang Olimpiko, ang pambansang kuponan ng Gresya ay hindi naunang pumasok; pumasok ang punong-abalang bansa nang huli. Nang nakasulat ang wikang Tsino sa karakter na panitik, ang ayos ng mga pagpasok ng mga kuponan ay nakatakda sa pamamagitan ng mga bilang ng mga guhit ng unang karakter na panitik ng mga pangalan ng Payak na Tsino ng mga kani-kanilang bansa.[10] Ang mga bansa na may magkatulad na bilang ng mga guhit sa unang karakter na panitik ay nakauri sa kanilang ng mga susunod na karakter na panitik. Ang bansang Gineya (几内亚) ay ginawang unang bansa na pumasok na may dalawang guhit na isinulat sa unang karakter na panitik ng pangalan ng bansa (几). Kasunod ang parada ng mga manlalaro, ginanap ang pagtatanghal, hinati sa dalawang kabanata at mga kasunod na kabanata na pinamagatang ang "Landas ng Sansinukob" at "Landas ng Buhay".[9] Ang pagtatanghal ng ibong-araw ay nagtakda kay Yang Haitao (杨海涛), isang mang-aawit na may kapansanan sa paningin, na umaawit tungkol sa mga panaginip habang ang isang sirkero na nakasuot ng kasuotang ibong-araw ay bumaba sa nagkukunwaring paglipad mula sa hangin at "paggising ng bulag na mang-aawit mula sa kanyang pagtulog".[9] Nagwakas ang seremonya kay Hou Bin, isang medalistang ginto sa mataasang talon na may isang binti lamang na nagsindi ng kawang pang-apoy.[11]
Seremonya ng pagtatapos
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang seremonya ng pagtatapos ng Paralimpikong Tag-init 2008 ay ginanap sa Pambansang Istadyum ng Beijing. Nagsimula sa ika-8:00 ng gabi Pamantayang Oras ng Tsina (UTC+8) noong 17 Setyembre 2008.[12]
Bilang ng mga medalya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Punung-abalang bansa (Tsina)
Antas | Bansa | Ginto | Pilak | Tanso | Kabuuan |
---|---|---|---|---|---|
1 | Tsina | 89 | 70 | 52 | 211 |
2 | Mga Nagkakaisang Kaharian | 42 | 29 | 31 | 102 |
3 | Mga Nagkakaisang Estado (Estado Unidos) | 36 | 35 | 28 | 99 |
4 | Ukrayna | 24 | 18 | 32 | 74 |
5 | Awstralya | 23 | 29 | 27 | 79 |
6 | Timog Aprika | 21 | 3 | 6 | 30 |
7 | Kanada | 19 | 10 | 21 | 50 |
8 | Rusya | 18 | 23 | 22 | 63 |
9 | Brasil | 16 | 14 | 17 | 47 |
10 | Espanya | 15 | 21 | 22 | 58 |
11 | Alemanya | 14 | 25 | 20 | 59 |
12 | Pransiya | 12 | 21 | 19 | 52 |
13 | Timog Koriya | 10 | 8 | 13 | 31 |
14 | Mehiko | 10 | 3 | 7 | 20 |
15 | Tunisya | 9 | 9 | 3 | 21 |
16 | Republikang Tseka | 6 | 3 | 18 | 27 |
17 | Hapon | 5 | 14 | 8 | 27 |
18 | Polonya | 5 | 12 | 13 | 30 |
19 | Olanda | 5 | 10 | 7 | 22 |
20 | Gresya | 5 | 9 | 10 | 24 |
21 | Belarus | 5 | 7 | 1 | 13 |
22 | Iran | 5 | 6 | 3 | 14 |
23 | Kuba | 5 | 3 | 6 | 14 |
24 | Bagong Selanda | 5 | 3 | 4 | 12 |
24 | Suwesa | 5 | 3 | 4 | 12 |
26 | Hong Kong | 5 | 3 | 3 | 11 |
27 | Kenya | 5 | 3 | 1 | 9 |
28 | Italya | 4 | 7 | 7 | 18 |
29 | Ehipto | 4 | 4 | 4 | 12 |
30 | Nigerya | 4 | 4 | 1 | 9 |
31 | Algerya | 4 | 3 | 8 | 15 |
32 | Moroko | 4 | 1 | 2 | 7 |
33 | Awstrya | 4 | 1 | 1 | 6 |
34 | Swesya | 3 | 2 | 6 | 11 |
35 | Dinamarka | 3 | 2 | 4 | 9 |
36 | Irlanda | 3 | 1 | 1 | 5 |
37 | Kroasya | 3 | 1 | 0 | 4 |
38 | Aserbayan | 2 | 3 | 5 | 10 |
39 | Eslobakya | 2 | 3 | 1 | 6 |
40 | Pinlandiya | 2 | 2 | 2 | 6 |
41 | Thailand | 1 | 5 | 7 | 13 |
42 | Portugal | 1 | 4 | 2 | 7 |
43 | Noruwega | 1 | 3 | 3 | 7 |
44 | Tsipre | 1 | 2 | 1 | 4 |
45 | Latbya | 1 | 2 | 0 | 3 |
46 | Singapura | 1 | 1 | 2 | 4 |
46 | Beneswela | 1 | 1 | 2 | 4 |
48 | Arabyang Sawdi | 1 | 1 | 0 | 2 |
49 | Unggarya | 1 | 0 | 5 | 6 |
50 | Tsinong Taipei | 1 | 0 | 1 | 2 |
50 | Turkiya | 1 | 0 | 1 | 2 |
52 | Mongolia | 1 | 0 | 0 | 1 |
53 | Munggolya | 0 | 5 | 1 | 6 |
54 | Anggola | 0 | 3 | 0 | 3 |
55 | Hordan | 0 | 2 | 2 | 4 |
56 | Litwanya | 0 | 2 | 0 | 2 |
56 | Serbya | 0 | 2 | 0 | 2 |
58 | Arhentina | 0 | 1 | 5 | 6 |
59 | Eslobenya | 0 | 1 | 2 | 3 |
60 | Bulgarya | 0 | 1 | 1 | 2 |
60 | Irak | 0 | 1 | 1 | 2 |
60 | Kolombya | 0 | 1 | 1 | 2 |
63 | Bosnya at Hersigobina | 0 | 1 | 0 | 1 |
63 | Pakistan | 0 | 1 | 0 | 1 |
63 | Papuwa Bagong Gineya | 0 | 1 | 0 | 1 |
63 | Rumanya | 0 | 1 | 0 | 1 |
63 | Mga Nagkakaisang Arabong Emirado | 0 | 1 | 0 | 1 |
68 | Lebanon | 0 | 0 | 2 | 2 |
69 | Belhika | 0 | 0 | 1 | 1 |
69 | Estonya | 0 | 0 | 1 | 1 |
69 | Hamayka | 0 | 0 | 1 | 1 |
69 | Laos | 0 | 0 | 1 | 1 |
69 | Malaysiya | 0 | 0 | 1 | 1 |
69 | Namibya | 0 | 0 | 1 | 1 |
69 | Puwerto Riko | 0 | 0 | 1 | 1 |
69 | Sirya | 0 | 0 | 1 | 1 |
Lahat-lahat | 473 | 471 | 487 | 1431 |
Silipin din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Humigit sa 4,200 Manlalaro na Makikipagpaligsahan sa Paralimpikong Beijing" Naka-arkibo 2008-09-11 sa Wayback Machine., Xinhua, 24 Agosto 2008
- ↑ "CPC announces Canadian team for the 2008 Beijing Paralympic Games in China" Naka-arkibo 2008-09-14 sa Wayback Machine., Lupong Paralimpiko ng Kanada, 8 Hulyo 2008
- ↑ http://news.xinhuanet.com/english/2008-09/17/content_10062213.htm
- ↑ "Competition Venues - The Official Website of the Beijing 2008 Paralympic Games". The Beijing Organizing Committee for the Games of the XXIX Olympiad. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 26, 2008. Nakuha noong Hulyo 26, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo July 26, 2008[Date mismatch], sa Wayback Machine. - ↑ "Emblema ng Paralimpikong Beijing - Ang Opisyal na Websayt ng Palarong Paralimpiko ng Beijing 2008". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-20. Nakuha noong 2008-09-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-07-20 sa Wayback Machine. - ↑ "Pagpapakilala ng Disenyo ng Fu Niu Lele - Ang Opisyal na Websayt ng Palarong Paralimpiko ng Beijing 2008". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-06. Nakuha noong 2008-09-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-06-06 sa Wayback Machine. - ↑ "Beijing Paralympic theme song shows love for life". Xinhua. 2008-09-06. Nakuha noong 2008-09-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Opisyal na talaan, Pambansang Lupon sa Paralimpiko
- ↑ 9.0 9.1 9.2 9.3 9.4 "Kabuuang Saklaw ng Pagpapalabas: Ang Seremonya ng Pagbubukas ng Palarong Paralimpiko ng Beijing 2008" Naka-arkibo 2008-09-06 sa Wayback Machine., Xinhua, 6 Setyembre 2008
- ↑ "Plano ng Seremonya ng Pagbubukas inilabas - Ang Opisyal na Websayt ng Palarong Olimpiko ng Beijing 2008". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-14. Nakuha noong 2008-10-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Peopledaily. "Peopledaily.com." Nagbukas ng Tsina ang Palarong Paralimpiko ng Beijing sa pagdiriwang ng buhay at sangkatauhan. Nakuha noong 2008-09-14.
- ↑ English People's Daily. "People's daily." 2008 Olimpikong Seremonya ng Pagtatapos - Beijing. Nakuha noong 2008-09-28.