Palitan ng Ortigas
Palitan ng Ortigas | |
---|---|
Palitang EDSA–Ortigas Ortigas Flyover | |
Lokasyon | |
Mandaluyong at Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas | |
Mga koordinado | 14°35′35.36″N 121°3′30.44″E / 14.5931556°N 121.0584556°E |
Mga lansangan sa daanan | |
Konstruksiyon | |
Uri | Kalahating palitang tambak (stack) na may tatlong antas |
Nabuksan | 1991 |
Pinangangasiwaan ng | Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan |
Ang Palitan ng Ortigas (Ingles: Ortigas Interchange), na kilala rin bilang Palitang EDSA-Ortigas o Ortigas Flyover, ay isang kalahating palitang tambak (stack interchange) na may tatlong antas na nakapuwesto sa pagitan ng Mandaluyong at Lungsod Quezon sa Kalakhang Maynila, Pilipinas. Nagsisilbi itong sangandaan sa pagitan ng Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) at Abenida Ortigas. Orihinal na itinayo bilang regular na sangandaang may apat na daan, itinayo ang kasalukuyang palitan noong 1991 bilang pangunahing proyektong pang-imprastruktura ni Pangulong Corazon Aquino.[1]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangunahin sa mga dahilan kung bakit itinayo ang Palitan ng Ortigas ay ang pangangailangang ipagbuti ang oras na nakalaan ng paglalakbay sa kahabaan ng Abenida Epifanio de los Santos (EDSA), kung saan matindi ang pagsisikip ng trapiko. Noong 11 Enero 1991, sinang-ayunan ni Pangulong Corazon Aquino ang pagtayo ng palitan kasama ang dalawa pang pangunahing proyektong panlansangan. Gayunpaman, pinayagang mapadali ang proyekto dahilan ng pangangailangang malutas sa lalong madaling panahon ang problema ng trapiko sa EDSA.[2]
Sinimulan ang konstruksiyon ng palitan, na may halagang ₱400 milyon, noong 1 Abril 1991.[3] Ikinontrata ang pagtayo ng palitan sa F.F. Cruz and Co, isa sa mga pinakamalaking kontratista sa Pilipinas, sa pangangasiwa ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan.[4] Binuksan ang mga pahilagang landas ng palitan sa trapiko noong 23 Disyembre 1991.[3]
Mula 1993 hanggang 1998, pinangasiwaan ang pagpapanatili ng palitan ng Junior Chamber International ng Maynila (Manila Jaycees), sa ilalim ng isang kasunduan na nilagdaan nito kasama ang Pangasiwaan ng Kalakhang Maynila.[5]
Noong Ikalawang Rebolusyon sa EDSA sa taong 2001, marami ang nagtipon sa paligid ng Palitan ng Ortigas at ang Dambana ng EDSA, kung saan idinemanda nila ang pagbibitiw ni Pangulong Joseph Estrada.
Kritisismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kahit kung may intensiyong maibsan ng Palitan ng Ortigas ang pagsikip ng trapiko sa bahagi ng EDSA na kinatatayuan nito, binatikos ang palitan dahil pinalala umano nito ang trapiko sa lugar. Binatikos ang mga daang pang-serbisyo ng palitan dahil napakakitid ang paggawa nito, at dahil napakasama ang kalidad ng paletada sa patimog na daang pang-serbisyo, bumabagal ang mga bus na gumagamit nito, at ito ay nagpapabagal pa ng trapiko para sa lahat.[6]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Aquino, Corazon C.; atbp. (1992). The Aquino administration: record and legacy (1986-1992). Quezon City: University of the Philippines Press. p. 257. ISBN 9715420095.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Agatep, Primo (Enero 11, 1991). "Cory approves construction of 3 interchanges". Manila Standard. Kamahalan Publishing Corporation. Nakuha noong Enero 20, 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Villanueva, Marichu A. (Disyembre 22, 1991). "North-bound EDSA fly-over opens to traffic tomorrow". Manila Standard. Kamahalan Publishing Corporation. Nakuha noong Enero 20, 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Camus, Miguel R. (Mayo 20, 2013). "Felipe F. Cruz, PH's construction pioneer, dies at 93". Philippine Daily Inquirer. Philippine Daily Inquirer, Inc. Nakuha noong Enero 20, 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Marasigan, Feruan (Marso 19, 1993). "Civic group agrees to maintain major flyover". Manila Standard. Kamahalan Publishing Corporation. Nakuha noong Enero 20, 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Santos, Botchi (Hulyo 2, 2013). "A dedicated traffic czar may be the answer to the Edsa puzzle". Philippine Daily Inquirer. Philippine Daily Inquirer, Inc. Nakuha noong Enero 20, 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)