Pumunta sa nilalaman

Palitaw

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sangkap ng Palitaw

Ang palitaw ay isang uri ng mamon[1] o keyk[1] sa Pilipinas na niluto mula sa giniling na malagkit na bigas, at hinaluan ng asukal at binudburan ng kinayod na murang niyog at linga.[2] Ang palitaw ay tinatawag na bilu-bilo (bilog o binilog)[2] kung kasama bilang sahog sa ginatang may lamang-ugat kagaya ng kamote, gabi, ube, atbp. Tinatawag itong palitaw dahil isang indikasyon na luto na ito ay ang paglutang o paglitaw nito sa kumukulong tubig.

Tinatawag ang sangkap nito na giniling na malagkit na bigas bilang galapong. Nagiging galapong ang malagkit na bigas pagkatapos itong hugasan, ibabad, at dinurog sa ginilingan. Matapos na alisin ang sobrang tubig mula sa proseso ng pagdurog, binibilog ito sa ilang piraso at pinapatag upang maging hugis bilog. Niluluto naman ito sa pamamagitan ng paghuhulog nito sa kumukulong tubig; kapag lumutang na ito, luto na ito. Bago ito ihain, binubudburan muna ito ng kinayod na niyog at pwede ring mayroong asukal at tustadong linga.[3]

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa panitikang Pilipino, nabanggit ang katangian ng palitaw sa isang tula ng manunulat na si Lamberto Antonio na Takada ni Islaw Palitaw kung saan ang unang dalawang linya ay sinabi na "Ang tawag sa akin ay Islaw Palitaw Lulubong-lilitaw sa tae ng kalabaw".[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 The New Filipino-English English-Filipino Dictionary (Ang Bagong Diksiyunaryong Pilipino-Ingles Ingles-Pilipino), ni Maria Odulio de Guzman, National Bookstore, 1968, muling nailimbag noong 2005, may 197 na mga pahina, ISBN 9710817760
  2. 2.0 2.1 Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
  3. Nocheseda, Elmer I. "IN PRAISE OF SUMAN PAST". Tagalog Dictionary. Retrieved 2008-01-26.
  4. Santiago, Lilia Quindoza (2007). Mga panitikan ng Pilipinas. Published and distributed by C & E Pub. p. 80. ISBN 978-971-584-542-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)