Pumunta sa nilalaman

Siyomay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Palitaw (dumpling))
Siyomay
Ibang tawagSiomai, shaomai, shui mai, shu mai, sui mai, shui mei, siu mai, shao mai, xíu mại
KursoDim sum
LugarTsina
Rehiyon o bansaGuangzhou, Guangdong o Hohhot, Mongolya Interyor
Pangunahing Sangkaptinimplahang giniling na baboy, buo at hiniwang tupa, kabute, masang lihiya

Ang siyomay o siomai (Tsinong pinapayak: 烧卖; Tsinong tradisyonal: 燒賣; pinyin: shāomài; Cantonese Yale: sīu-máai; Pe̍h-ōe-jī: sio-māi) ay isang uri ng pagkaing Tsino. Sa lutuing Kantones, karaniwan itong inihahain bilang pangmeriendang dim sum.[1]

Mga sikat na uri sa Tsina

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kantones na siumaai

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kantones na siumaai sa lansong

Ito ang pinakakilalang baryante sa labas ng Asya at mula ito sa mga timugang lalawigan ng Guangdong at Guangxi. Sa lutuing Kantones, tinatawag din itong "bola-bolang baboy at kabute". Karaniwan itong pinapalamanan ng giniling na baboy, maliliit na hipon (buo o tinadtad), kabuteng shiitake, berdeng sibuyas (na tinatawag ding iskalyon) at luya na tinimplahan sa alak-bigas (hal. alak-bigas ng Shaoxing), toyo, mantika ng linga at sabaw ng manok. Maaari rin itong dagdagan ng labong, apulid at paminta. Gawa ang pambalot sa manipis na balat na gawa sa masang lihiya na dilaw o puti. Kadalasang nilalagyan ng kahel na tuldok na gawa sa bihud ng alimango o dinais na karot, ngunit maaari ring gumamit ng luntiang tuldok na gawa sa gisantes. Iba-iba ang presentasyong pandekorasyon nito.

Isinulat ang Hong Kong Siumaipedia para maidokumento ang baryanteng Kantones.[2]

Shaomai ng Hohhot

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tupang shinaomai mula sa Mongolya Interyor

Isang rehiyonal na baryante ang shaomai na matatagpuan sa Hohhot, Mongolya Interyor.[3][4]

Ang pambalot ay napakanipis na di-alsadong masa na may mga tiklop sa dulo. May iisa na palaman lamang na binubuo ng hiniwa o giniling na tupa, iskalyon at luya. Kilala ang shaomai ng Hohhot para sa saganang paggamit ng iskalyon at luya na may matapang na amoy, at medyo maanghang na lasa. Nilalagay ang palaman sa gitna ng pambalot at maluwang ang mga gilid na pambalot na nagbubuo ng "leeg" at tuktok na hugis-bulaklak. Pinapasingawan o piniprito ito. Sa paghahain ng shaomai, ginagamit ang yunit ng "liang" na ang ibig sabihin ay walong pinasingaw na piraso sa lansong o walong piniritong piraso sa plato. Katumbas ng 50 gramo ang "liang" na ginamit bilang tradisyonal na tagapagpahiwatig ng kabuuang timbang ng pambalot. Sinasabayan ang shaomai ng Hohhot ng suka at tsaa, dahil sa kamantikahan nito.

Mga baryante mula sa ibang bansa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Siyomay ng Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Siyomay na may kalamansi at siling labuyo

Kadalasan, gawa sa giniling na baboy, baka, hipon, atbp. ang siyomay ng Pilipinas. Pinagsasama ito sa mga ekstender gaya ng bawang, gisantes, karot na binabalutan ng wonton. Karaniwang pinapasingaw ito, at may sikat na baryante na piniprito para lumutong ang balat. Isinasawsaw ito sa toyo na may katas ng kalamansi, at paminsan-minsan dinaragdagan ito ng mantikang sili-bawang.

Inilarawan sa mga makasayasyang materyales na inihain ang shaomai sa mga tsaahan bilang sekundaryong produkto.[3][4] Ang ibig sabihin ng pangalang "捎賣; 捎卖" ay "ibinenta bilang pansabay" sa tsaa ang produkto. Pinaniniwalaan na dinala ito sa Beijing at Tianjin ng mga mangangalakal mula sa Shanxi, at ito ang dahilan kung bakit ito kumalat at sumikat. Sa kinalaunan, pinalitan ang pangalan ng mga mas makabagong anyo kagaya ng "燒麥; 烧麦", "稍美" at "燒賣; 烧卖", kung saan nag-iba-iba ang mga karakter habang nanatili ang orihinal na pagbigkas. Noong una, mailalarawan ang produkto bilang karne at gulay na nakabalot sa maninipis na balat, at tinimbang lang ang pambalot noong ibinebenta, isang tradisyon na ginagawa pa rin sa Huhhot.

  • Hakaw – pagkaing Kantones

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Hsiung, Deh-Ta. Simonds, Nina. Lowe, Jason. [2005] (2005). The food of China: a journey for food lovers [Ang pagkain ng Tsina: isang biyahe para sa mga adik sa pagkain] (sa wikang Ingles). Bay Books. ISBN 978-0-681-02584-4. pa 38.
  2. Ho, Kelly (2021-05-23). "Love at first bite: Hong Kong's humble street food inspires an encyclopedia" [Pag-ibig sa unang kagat: ang simpleng pagkaing-kalye ng Hong Kong, nagbigay-inspirasyon sa isang ensiklopedya]. Hong Kong Free Press (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-05-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "烧麦的名称由来". news.ganji.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Disyembre 2013. Nakuha noong 16 Disyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 绥远通志稿. Inner Mongolia, China: 内蒙古人民出版社. 2010. ISBN 9787204090808.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)