Pamantasang Aalto
Ang Pamantasang Aalto (Ingles: Aalto University, Pinlandes: Aalto-yliopisto, Suweko: Aalto-universitetet) ay isang unibersidad na matatagpuan sa Kalakhang Helsinki, Finland. Ito ay itinatag noong 2010 bilang ang pagsasanib ng tatlong pangunahing unibersidad sa bansa: ang Helsinki University of Technology (itinatag noong 1849), ang Helsinki School of Economics (itinatag noong 1904), at University of Art ang Design Helsinki (itinatag noong 1871). Ang malapit na pakikipagtulungan sa pagitan ng mga pamayanang pang-agham, pangnegosyo at pansining ay sinadya upang magsulong ng multidisiplinal na edukasyon at pananaliksik. Noong 2010, lumikha ang pamahalaang Finnish ng isang unibersidad na nagsusulong ng pagbabago, kung saan kabilang ang tatlong institusyon na pinagsama-sama.[1]
Ang unibersidad ay ipinangalan kay Alvar Aalto, isang tanyag na arkitektong Finnish, dibuhante at nagtapos sa dating Helsinki University of Technology, na naging instrumental sa pagdidisenyo ng malaking bahagi pangunahing kampus ng unibersidad sa Otaniemi.
Ang pangunahing university campus ay matatagpuan sa Otaniemi, Espoo. Ang iba pang dalawang mga campus ay matatagpuan sa Arabia at Töölö sa dating kinatatayuan ng TaiK at HSE, ayon sa pagkakabanggit.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "EU Policy Blog". EU Policy Blog. Microsoft. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2014-08-10.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
60°11′10″N 24°49′43″E / 60.1861°N 24.8286°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.