Pamantasang Edith Cowan
Ang Pamantasang Edith Cowan (Ingles: Edith Cowan University, ECU) ay isang pampublikong unibersidad sa Australia na matatagpuan sa Perth, Kanlurang Australia . Ito ay ipinangalan sa kauna-unahang babaeng ihalal sa isang parlyamento ng isang estado ng Australia, si Edith Cowan, at ang tanging unibersidad sa Australya na ipinangalan sa babae.
Ang ECU ay nabigyan ng katayuan sa unibersidad noong 1991 at nabuo sa pagsasama ng mga kolehiyong pangguro (teacher's colleges), na maiuugat pa sa taong 1902 nang itinatag ang Claremont Teachers College, kaya't ang ECU ang modernong inapo ng unang institusyon ng mas mataas na edukasyon sa estado ng Kanlurang Australia. [1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "State Records Office of Western Australia: list of all recognised education and training institutions in WA". State Records Office of Western Australia. 16 Agosto 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-06. Nakuha noong 16 Agosto 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 6 July 2011[Date mismatch] sa Wayback Machine.
31°45′09″S 115°46′22″E / 31.7525°S 115.7728°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.