Pamantasang Estatal ng Campinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Ciclo Básico, set ng mga silid-aralan na pinagsasaluhan ng marami sa mga programa


Ang Pampamahalaang Unibersidad ng Campinas (Portuges: Universidade Estadual de Campinas; Ingles: University of Campinas), karaniwang tinatawag na Unicamp, ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa lungsod ng Campinas, estado ng São Paulo, Brazil, at isa sa mga pinakamahusay na mga unibersidad sa bansa at sa buong Latin America.[1][2]

Ang Unicamp ay responsable sa 15% ng pananaliksik sa Brazil,[3] na masasabing napakataas na bilang kung inihambing sa mas malaki at mas matandang mga institusyon sa bansa tulad ng Unibersidad ng São Paulo.[4] Ito rin ay nakapagprodyus ng higit pang mga patente kaysa sa anumang organisasyon sa pananaliksik sa Brazil, pangalawa lamang sa kumpanyang pampamahalaan ng langis, ang Petrobras.[5] Marami sa mga pandaigdigang pagraranggo ng unibersidad ay inililista ito sa hanay ng mga pinakamahusay na unibersidad sa mundo. Halimbawa, sa QS Rankings ay nakahanay ang pamantasan sa Top 200 sa buong mundo at ika-11 sa pinakamahusay na mga unibersidad sa ilalim ng 50 taon.[6] Noong 2015, ang Unicamp ay binigyan ng grado bilang ang pinakamahusay na unibersidad sa bansa ayon sa Ministri ng Edukasyon ng Brazil.[7]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "QS University Rankings: Latin America 2015". Hinango noong 2016-02-04.
  2. ASCOM. "A melhor do Brasil | UNICAMP – Universidade Estadual de Campinas". Hinango noong 2016-01-21.
  3. "Unicamp é a universidade com mais cursos bem avaliados, segundo MEC" (sa Portuguese). Hinango noong 2016-02-04.
  4. "Criação da Unicamp". 
  5. "The 2015 CWUR World University Rankings are out now". Hinango noong 2016-01-19.
  6. "QS Top Universities".
  7. "Unicamp é a universidade com mais cursos bem avaliados, segundo MEC" (sa Portuguese). Hinango noong 2016-01-20.