Pamantasang Johns Hopkins
Ang Pamantasang Johns Hopkins (karaniwang tinutukoy bilang Johns Hopkins o JHU; Ingles: Johns Hopkins University) ay isang Amerikanong pribadong unibersidad sa pananaliksik sa Baltimore, Maryland. Itinatag noong 1876, ang unibersidad ay ipinangalan sa una nitong tagapagtangkilik, ang Amerikanong negosyante, abolisyonista, at pilantropong si Johns Hopkins. Ang kanyang $7 milyon pamana—kung saan kalahati ay iginawad para sa pagtatatag ng Ospital Johns Hopkins—ay ang pinakamalaking regalong pilantropo sa kasaysayan ng Estados Unidos sa panahong iyon. Inadap ng unibersidad ang konsepto ng isang paaralang gradwado mula sa sinaunang Unibersidad ng Heidelberg sa Alemanya, kaya masasabing ang Johns Hopkins ang unang unibersidad sa pananaliksik sa Estados Unidos.
Ang Johns Hopkins ay isang tagapagtatag na miyembro ng Amerikano Association of Universities (AAU). Ang Unibersidad ay niraranggong ika-10 sa programang undergraduate sa mga pambansang unibersidad, at ika-10 pandaigdigang unibersidad ayon sa US News & World Report sa 2018 rankings nito, pati na rin sa Times Higher Education World University Rankings kung saan ito ay ika-13 sa buong mundo. Sa loob ng higit 140 taon, merong 27 Nobel laureates na konektado sa Johns Hopkins.
39°19′44″N 76°37′14″W / 39.3289°N 76.6206°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.