Pamantasang Nankai
Ang Pamantasang Nankai (Ingles: Nankai University, 'NKU) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Tianjin, Tsina. Ito ay isang Chinese Ministry of Education Class A Double First Class University.[1] Ito ay itinatag noong 1919, sa pamamagitan ng tanyag na mga edukador na sina Yan Xiu at Zhang Boling. Ang Pamantasang Nankai ay isa sa pinakaprestihiyosong unibersidad sa Tsina. Noong panahon ng digmaang Tsino-Hapones (1937-1945), ang Pamantasang Nankai, kasama ang Unibersidad ng Peking at Pamantasang Tsinghua ay nagsanib at nabuo ang National Changsha Provisional University, na inilipat nang lumaon sa Kunming at naging National Southwestern Associated University 西南联大. Sa Nankai nag-aral ang unang Premier ng Tsina na si Zhou Enlai, matematikong si Shiing-Shen Chern at Nobel laureates na sina Chen Ning Yang at Tsung-Dao Lee.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]39°06′04″N 117°09′53″E / 39.1011°N 117.1647°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.