Pamantasang Nova Southeastern
Ang Pamantasang Nova Southeastern (Ingles: Nova Southeheast University, NSU) ay isang pribadong unibersidad na may pangunahing kampus sa Davie, Florida, Estados Unidos. Ang unibersidad ay binubuo ng 18 kolehiyo at paaralan na nag-aalok ng higit sa 150 programa ng pag-aaral. Nag-aalok ang unibersidad ng mga propesyonal na digri sa agham panlipunan, batas, negosyo, osteopathic medicine, allopathic medicine, alyadong kalusugan, parmasya, pagdeentista, optometriya, physical therapy, edukasyon, occupational therapy, at pagnanars. Ang Nova Southeastern ay mayroong humigit-kumulang 20,000 mag-aaral sa taong 2019, at higit sa 185,000 nagtapos.
Ang unibersidad ay itinatag bilang Nova University of Advanced Technology sa isang dating outlying landing field ng Navy na itinayo sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong 1994, ang unibersidad ay isinanib sa Southeastern University of Health Sciences at nakuha ang kasalukuyang pangalan.
26°04′40″N 80°14′31″W / 26.0779°N 80.2419°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.