Pamantasang Ritsumeikan
Ang Pamantasang Ritsumeikan (Ingles: Ritsumeikan University, Hapones: 立命館大学 Ritsumeikan Daigaku, kilala din bilang Rits at 立命 Ritsumei) ay isang pribadong unibersidad sa Kyoto, Hapon, na itinatag noong 1869. Bukos sa kampus ng Kinugasa sa Kyoto, ang unibersidad ay mayroon ding mga satelayt na kampus na tinatawag na Biwako-Kusatsu Campus (BKC) at Osaka-Ibaraki Campus (OIC).
Ngayon, ang unibersidad ay kilala bilang isa sa apat na nangungunang pribadong unibersidad ng kanlurang Hapon. "KAN-KAN-DO-RITS" 関 関 同 立 (Pamantasang Kwansei Gakuin , Pamantasang Kansai, Pamantasang Doshisha, at Pamantasang Ritsumeikan) ang kolektibong tawag sa apat na nangungunang mga pribadong unibersidad sa rehiyon (na mayroong 20 milyong katao). Kilala ang Ritsumeikan para sa mga kagawaran ng ugnayang internasyonal and agham at inhenyeriya. Ang Ritsumeikan University ay may mga programa ng palitan sa ibang paaralan sa buong mundo, kabilang ang Unibersidad ng British Columbia, Unibersidad ng Melbourne, Unibersidad ng Sydney, Unibersidad ng Hong Kong at King's College London.
35°01′57″N 135°43′26″E / 35.0326°N 135.724°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.