Pamantasang del Rosario
Ang Pamantasang del Rosario (Espanyol: Universidad del Rosario, opisyal na Colegio Mayor de Nuestra Señora del Rosario) ay isang pribadong unibersidad sa Colombia na itinatag sa mga prinsipyong Romano Katoliko noong 1653 ni Fray Cristobal de Torres. Matatagpuan sa Bogotá, dahil sa mahalagang posisyon nito sa kasaysayan ng Colombia, kilala ito bilang "ang duyan ng Republika". Karamihan sa mga fakultad ay nasa Cloister, ang pangunahing kampus na matatagpuan sa makasaysayang heografikal na sentro ng Bogotá.
Sa kasalukuyang panahon, ang institusyon ay nakabatay sa mga sekular na ideya at nananatiling impluwensyal sa kultura at pampublikong buhay ng Colombia. Hindi bababa sa 28 sa mga Pangulo ng Colombia ang naging mag-aaral ng unibersidad na ito. Naimpluwensyahan nito at nakilahok ito sa mahalagang mga pangyayaring transisyonal sa bansa tulad ng rebolusyon para sa kalayaan mula sa Espanya at ang pagbalangkas ng Pampulitikang Pambansang Saligang Batas noong 1991. Ang isa sa pinakamahalaga, ang Korte Suprema ng Konstitusyon ng 1886 (1936), ay binubuo sa kalakhan ng mga abogado mula sa Faculty of Jurisprudence.
4°36′01″N 74°04′24″W / 4.600231°N 74.073465°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.