Pambansang Pamantasang Chiao Tung
Ang Pambansang Pamantasang Chiao Tung (Ingles: National Chiao Tung University, NCTU) ay isa sa mga nangungunang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa Taiwan na matatagpuan sa lungsod ng Hsinchu. Ang NCTU ay itinatag sa Xujiahui, Shanghai bilang Pampublikong Paaralang Nanyang (Ingles: Nanyang Public School, 南洋公學) ni Sheng Xuanhuai noong 1896. Pagkatapos ng Digmaang Sibil ng mga Tsino, ang NCTU ay muling itinatag sa Hsinchu sa pamamagitan ng mga dating guro at estudyante ng Pamantasang Chiao Tung sa Shanghai noong 1958. Ang Unibersidad ay itinuturing na isa sa mga selektibong mga paaralan sa Taiwan. Humigit-kumulang sa 65% ng mga CEO sa mga kumpanyang high-tech sa Hsinchu Science Park ay mula sa NCTU. Mula 2006 hanggang 2010, merong 336 patente ang iginawad, at ang paglilipat ng teknolohiya ay nagkakahalaga ng higit sa US$13 milyon, na siyang nangunguna sa anumang unibersidad sa Taiwan. [1]
Ang unibersidad ay binuo sa Pambansang Pamantasang Yang-Ming sa bagong Pambansang Pamantasang Yang Ming Chiao Tung noong ika-1 ng Pebrero 2021.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-04-09. Nakuha noong 2018-03-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2018-04-09 sa Wayback Machine. - ↑ "Newly merged university opens". Taipei Times. 2 Pebrero 2021. Nakuha noong 2 Pebrero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
24°47′45″N 120°59′05″E / 24.795861°N 120.984766°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.