Pambansang koponan ng futbol ng Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa pangkasalukuyang kabatiyan sapaksang ito, tingnan sa [[mga resulta ng pambansang koponan ng sipaang-bola ng Pilipinas]].
Pambansang koponan ng futbol ng Pilipinas
Tanda sa kamiseta/Palong ng kapisanan
(Mga) Palayaw Azkals
Kapisanan Philippine Football Federation
Sub-kalaguman AFF (Timog-silangang Asya)
Kalaguman AFC (Asya)
Punong tagasanay Thomas Dooley
Katulong na tagasanay Bruno Baltazar
Lakan Rob Gier
Pangunahing tagapag-iskor Phil Younghusband (36)
Tahanang istadyum Istadyum Pang-alaala kay Rizal
Kodigong FIFA PHI
Katayuan sa FIFA 140
Pinakamataas na katayuan ng FIFA 127 (Disyembre 2013 - Pebrero 2014)
Pinakamababang katayuan ng FIFA 195 (Septembre 2006)
Katayuan ng Elo 157
Pinakamataas na katayuan ng Elo 26 (Pebrero 1913 – Mayo 1915)
Pinakamababang katayuan ng Elo 216 (Disyembre 2004)
Pantahanang damit
Panlabas na damit
Unang pandaigdigang laro
Flag of the Philippines Pilipinas 0–1 Malaking Tsina Watawat ng Mainland China
(Maynila, Pilipinas; Ika-1 ng Pebrero, 1913)
Pinakamalaking pagwawagi
Watawat ng Japan Hapon 2–15 Pilipinas Flag of the Philippines
(Tokyo, Hapon; Ika-10 ng Mayo, 1917)
Pinakamalaking katalunan
Watawat ng Japan Hapon 15–0 Pilipinas Flag of the Philippines
(Tokyo, Hapon; Ika-27 ng Setyembre, 1967)

Ang pambansang koponan ng futbol ng Pilipinas ay ang pambansang koponan ng Pilipinas at kumakatawan ng bansa sa pandaigdigang futbol. Ang koponan ay hawak ng Philippine Footbal Federation (PFF), ang namamahalang katawan ng futbol sa Pilipinas.

Sa kabila ng pagiging pinakamatandang pambansang koponan sa Asya, hindi pa nagkaroon ng anumang makabuluhang pagwawagi sa pandaigdigang antas at hindi pa nakapasok sa Palarong Asyano sa Futbol o sa World Cup ng Futbol. Gayumpaman, nasiyahan ang mga ilang tagumpay sa mga unang taon nito sa pagitan ng 1913 at 1934 sa Palarong Kampeonato ng Malayong Silangan.

Kamakailang kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong Setyembre 2006 bumaba ang bansa sa ika-195 sa Pandaigdigang Katayuan ng FIFA, napakababa sa kasaysayan[1] Sa katapusan ng taon, umangat ang Pilipinas sa ika-171 sa panlahatan, pagkatapos ng magandang takbo sa Kwalipikasyon sa Kampeonato sa Futbol ng ASEAN 2007.[2] Nakapagpanalo sila ng tatlong laro sa isang hanay na ito ay unang pagkakataon sa Pilipinas at sa ganoon para sa Kampeonato sa Futbol ng ASEAN 2007.[3] Itinuon ni Aris Caslib, tagapagsanay sa panahong iyon na makamit ang timpalak na laro na may dalawang panalo sa pampangkat na antas[4] Dumating ang pasya sa kabila ng pagpapahayag ni Juan Miguel Romualdez, pangulo ng Pederasyon sa Futbol ng Pilipinas, na sila ay nananatiling mga talunan sa paligsahan and doon hindi dapat iangat ang kanilang pag-aasam, [2] habang ang Pilipinas ay napanalunan lamang ng isang panalo sa unang pagkakataon sa kapanahunan ng edisyong 2004.[5] Sa huli, nabigo ang Pilipinas na makamit ang kanilang layon, makuha lamang ng isang tabla sa tatlong labanan. Ang kanilang mga mabababang pagsasagawa ay nagpatiuna sa pagbibitiw ni Caslib,[6] gayundin sa pagtanggi ng PFF na magpatala at pumasok sa mga pangkwalipikasyong antas ukol sa World Cup ng Futbol 2010.[7] Sila ay naging isa sa apat na bansa, lahat mula sa Timog-Silangang Asya na hindi pumasok pagkatapos ng isang bilang na tala ng mga paglalahok.[8] Gayumpaman isiniwalat ito na ang pasyang di-pagpasok sa 2010 gayunin sa kwalipikasyon sa World Cup ng Futbol 2006 ay ginawa sa loob ng pagkapangulo ng PFF na si Rene Adad, na ang kanyang termino ay natapos noong 2003.[7] Sa halip, nais ng PFF na tutukan sa mga paligsahang pantahanan at panrehiyon.[9]

Mula 2007, nabigo ang Pilipinas na makapasok sa isang pangunahing paligsahan. Dumating sila nang kuyom noong 2008 pagkatapos nagkabisala sa Palarong Hamon ng AFC 2008 dahil lamang sa kaibahan sa pithaya,[10] at sa Kopang Suzuki ng AFF 2008 na may mga pasahol na pithayang iskor sa tala.[11]

Sa Kopang Suzuki ng AFF 2010, tumabla ang Pilipinas ng 1-1 sa Singapura na may nahuling pithaya mula kay from Christopher Greatwich, at noong Ika-5 ng Disyembre, 2010, gumawa ng Pilipinas ng pinakamalaking pagtaob sa kaysaysayan ng paligsahan sa pamamagitan ng pag-umog sa namumunong kampeon na Biyetnam ng 2-0 na ang mga pithaya ay nagmula kay Greatwich at Phil Younghusband.

Imahe ng koponan[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga Tagahanga[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga tagahanga ng pambansang koponan sa isang eksibisyong laro laban sa SV Darmstadt 98 sa Alemanya.
Hunyo 24, 2011

Gumawa ng pangkat ang ilang mga tagahanga upang ipakita ang suporta sa pambansang koponan. Ang ilan sa mga pangkat na ito ay ang mga Kaholeros na binuo noong 2011 at ang Ultras Filipinas.[12]

Mga pangalan[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa ilalim ng opisyal na Tatluhang-gramo ng FIFA ang pangalan ng koponan ay nakadaglit bilang PHI; ang akronim na ito ay ginagamit ng FIFA, ang AFC at ang AFF upang kilalanin ang koponan sa mga opisyal na paligsahan.[13] Kinikilala rin ang koponan sa ilalim ng kodigo ng bansang Pandaigdigang Organisasyon ukol sa Pagpapamantayan para sa Pilipinas bilang PHL.[14] Gayumpaman ang koponan ay lubos na kinikilala nang karaniwan bilang RP, ang akronim para sa opisyal na pangalan ng bansa, Republika ng Pilipinas,[13] kung saan ginagamit ng mga taga-mediyang lokal habang tinutukoy nila sa koponan bilang "RP Booters"[15] o ang "RP XI". [16] Sinasangguni rin ang mga lokal na mediya sa koponan bilang mga "Azkals".[17] Ang pangalan, na hinango mula sa salitang askal, isang salitang wikang Filipino para sa "asong kalye," ay naging isang kumikiling paksa sa Twitter sa kapanahunan ng mga timpalak na laro ng Kopang Suzuki ng AFF 2010.[18]

Pantahanang istadyum[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa kapanahunan ng mga unang taon ng pambansang koponan ng Pilipinas, sila ay naglalaro ng kanilang mga labanang pantahahan sa mga Parang ng Karnibal ng Maynila. Sa taong 1934 naging lugar ng Hugnayang Pampalakasang Pang-alaala kay Rizal.[19] Isa sa mga pasilidad sa loob ng hugnayan ay ang pambansang istadyum na may kakayahang 30,000, kinikilala bilang Istadyum Pang-alaala kay Rizal. Mula't sapul binuksan ito, naging pantahanang lugar ng pagdarausan ng pambansang koponan ng Pilipinas.

Gayumpaman, naging sentro rin ng gawain ng atletika. Ang tuluy-tuloy na paggamit para sa atletika sa kahabaan ng may mababang pagpapanatili ay nakasisira ng istadyum at ang Palaro ng Timog Silangang Asya 1991 ay ang huling panahon na ginamit para sa mga pandaigdigang labanan ng futbol. Noong unang bahagi ng 2009, ibinabalak ng Komisyon sa Palakasan ng Pilipinas na isailalim sa bagbabago sa isang makabagong istadyum kung saan magiging palagamit ito ng pambansang koponan para sa mga pandaigdigang labanan.[20]

Ang mga iba pang istadyum na ginagamit:

Mga manlalaro[baguhin | baguhin ang batayan]

Pinakahuling koponan[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga Petsa ng Laban: Hulyo 11 & 16, 2015
Kalaban: Bahrain, Yemen[21]

Competition: Kwalipikasyon para sa Pandaigdigang Kopa ng Futbol 2018 – AFC (Ikalawang Bahagi)

Blg. Pos. Manlalaro Kapanganakan (edad) Klab
1 1GK Neil Etheridge 7 Pebrero 1990 (1990-02-07) (25 taong gulang) Watawat ng Inglatera Walsall FC
15 1GK Tomas Trigo 8 Hunyo 1989 (1989-06-08) (26 taong gulang) Flag of the Philippines Loyola Meralco Sparks
16 1GK Patrick Deyto 15 Pebrero 1990 (1990-02-15) (25 taong gulang) Flag of the Philippines Global
2 2DF Rob Gier 6 Enero 1981 (1981-01-06) (34 taong gulang) Watawat ng Inglatera Ascot United
3 2DF Stephan Palla 15 Mayo 1989 (1989-05-15) (26 taong gulang) Watawat ng Austria Wolfsberger
4 2DF Simone Rota 6 Nobyembre 1984 (1984-11-06) (30 taong gulang) Flag of the Philippines Stallion
5 2DF Juan Luis Guirado 27 Agosto 1979 (1979-08-27) (35 taong gulang) Flag of the Philippines Ceres
11 2DF Daisuke Sato 20 Setyembre 1994 (1994-09-20) (20 taong gulang) Flag of the Philippines Global
12 2DF Amani Aguinaldo 24 Abril 1995 (1995-04-24) (20 taong gulang) Flag of the Philippines Global
22 2DF Kenshiro Daniels 13 Enero 1995 (1995-01-13) (20 taong gulang) Flag of the Philippines Kaya
6 3MF Luke Woodland 21 Hulyo 1995 (1995-07-21) (20 taong gulang) Walang klab
7 3MF Iain Ramsay 27 Pebrero 1988 (1988-02-27) (27 taong gulang) Watawat ng Iran Tractor Sazi
8 3MF Manuel Ott 6 Mayo 1992 (1992-05-06) (23 taong gulang) Flag of the Philippines Ceres
9 3MF Misagh Bahadoran 10 Enero 1987 (1987-01-10) (28 taong gulang) Flag of the Philippines Global
13 3MF Dennis Villanueva 28 Abril 1992 (1992-04-28) (23 taong gulang) Flag of the Philippines Global
14 3MF Kevin Ingreso 10 Pebrero 1993 (1993-02-10) (22 taong gulang) Watawat ng Alemanya SV Drochtersen/Assel
17 3MF Stephan Schröck 21 Agosto 1986 (1986-08-21) (28 taong gulang) Watawat ng Alemanya SpVgg Greuther Fürth
18 3MF Patrick Reichelt 15 Hunyo 1988 (1988-06-15) (27 taong gulang) Flag of the Philippines Ceres
19 3MF Jerry Lucena 11 Agosto 1980 (1980-08-11) (34 taong gulang) Watawat ng Denmark Esbjerg
21 3MF Martin Steuble 9 Hunyo 1988 (1988-06-09) (27 taong gulang) Flag of the Philippines Ceres
10 4FW Phil Younghusband 4 Agosto 1987 (1987-08-04) (27 taong gulang) Flag of the Philippines Loyola Meralco Sparks
20 4FW Javier Patiño 14 Pebrero 1988 (1988-02-14) (27 taong gulang) Flag of the People's Republic of China Henan Jianye
23 4FW Mark Hartmann 20 Enero 1992 (1992-01-20) (23 taong gulang) Flag of the Philippines Global

Mga Kumakailang Pagtawag[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang mga sunusunod na mga manlalaro ay ipinatawag upang kumatawan sa Pilipinas sa loob ng huling 12 buwan.

Blg. Pos. Manlalaro Kapanganakan (edad) Klab
1GK Roland Muller 2 Marso 1988 (1988-03-02) (27 taong gulang) Watawat ng Switzerland Servette
2DF Álvaro Silva 30 Marso 1984 (1984-03-30) (31 taong gulang) Watawat ng Kuwait Al-Qadsia
3MF Paolo Bugas 22 Oktubre 1994 (1994-10-22) (20 taong gulang) Flag of the Philippines Global
3MF Curt Dizon 4 Pebrero 1994 (1994-02-04) (21 taong gulang) Flag of the Philippines Global
3MF Chris Greatwich 30 Setyembre 1983 (1983-09-30) (31 taong gulang) Flag of the Philippines Kaya
3MF Simon Greatwich 30 Setyembre 1988 (1988-09-30) (26 taong gulang) Flag of the Philippines Loyola Meralco Sparks
3MF Paul Mulders 16 Enero 1981 (1981-01-16) (34 taong gulang) Flag of the Philippines Ceres
3MF Satoshi Ōtomo 1 Oktubre 1981 (1981-10-01) (33 taong gulang) Flag of the Philippines Global
3MF OJ Porteria 9 Mayo 1994 (1994-05-09) (21 taong gulang) Flag of the Philippines Kaya
3MF James Younghusband 4 Setyembre 1986 (1986-09-04) (28 taong gulang) Flag of the Philippines Loyola Meralco Sparks
4FW Nate Burkey 7 Enero 1985 (1985-01-07) (30 taong gulang) Flag of the Philippines Ceres
4FW Ruben Doctora 17 Abril 1986 (1986-04-17) (29 taong gulang) Flag of the Philippines Stallion

Mga nakaraang paglalahok[baguhin | baguhin ang batayan]


Mga paglalahok sa Kampeonatong AFF


Mga paglalahok sa Kopang Panghamon ng AFC


Mga paglalahok sa Palaro ng Timog Silangang Asya
Magmula noong 2001 ang futbol sa Palaro ng Timog Silangang Asya ay naging paligsahan para lamang sa mga mas mababa sa 23-taong-gulang.

Mga kakatapos at nakatakdang laro[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga punong tagasanay[baguhin | baguhin ang batayan]

Kasalukuyang tauhang tagasanay
Position Name
Punong Tagasanay Flag of the United StatesWatawat ng Alemanya Thomas Dooley
Tulong na Tagasanay Watawat ng Alemanya Sebastian Stache
Tagapamahala Flag of the Philippines Dan Palami
Tagasanay sa Kalusugan Flag of the Philippines Josef Malinay
Tagasanay sa Pag-Goalkeep Watawat ng Switzerland Pascal Zuberbühler

Isa sa mga nauunang tagasanay ng pambansang koponan ay si Dionisio Calvo. Ang mga dayuhang tagasanay na Arhentino, Ingles, Aleman, Eskosyo, at Espanyol ay ginabayan ang koponan sa nakaraan. Ang tagasanay sa kasalukuyan ay isang Amerikano na may liping Aleman. Si Juan Cutillas ay ginabayan ang koponan ng hindi bababa sa apat na termino (1969–78, 1981–1984, 1996–00 at 2008–09).

Ginabayan ni Michael Weiß ang koponan sa pinakamahusay na pagtatapos nito sa isang palarong pinahintulot ng Asian Football Confederation at FIFA sa pamamagitan ng paggabay sa koponan sa ikalawang puwesto sa Tilap ng Kopang Panghamon ng AFC 2014. Ang huling tatlong tagasanay sila, Simon McMenemy, Michael Weiß at ang kasalukuyang tagasanay na si Thomas Dooley, ay nakakamit rin ng ilang tagumpay sa pangrehiyon na antas sa paggabay sa koponan sa Tilap sa Kopang Suzuki ng AFF (2010, 2012 at 2014), ang pinakamataas na torneyo sa Timog Silangang Asya. Ginabayan rin ni Eckhard Krautzun ang koponan sa semifinal sa Palaro ng Timog Silangang Asya 1991 ang pinakamahusay nitong pagtatapos sa naturang paligsahan bago pa ito naging laro para sa mga 23 taong gulang pababa na lamang.

Mga dating tagasanay[baguhin | baguhin ang batayan]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "FIFA - Pilipinas: Pandaigdigang Katayuan". FIFA.com. Fédération Internationale de Football Association. http://www.fifa.com/associations/association=phi/ranking/gender=m/index.html. Hinango noong 2010-08-25. 
  2. 2.0 2.1 "Philippines on the up". AseanFootball.org (ASEAN Football Federation). 2007-01-09. http://www.aseanfootball.org/news_d.asp?id=16. Hinango noong 2010-08-25. 
  3. "RP booters write one for books" (reprint). Manila Bulletin (Find Articles). 2006-11-21. Sininop mula sa orihinal na pahina noong 2012-07-09. http://archive.is/gzdi. Hinango noong 2010-08-25. 
  4. "Preview: Malaysia v Philippines - Philippines confident despite striker shortage". ESPNsoccernet. ESPN Inc. 2007-01-11. http://soccernet.espn.go.com/preview?id=212280&cc=4716. Hinango noong 010-08-25. 
  5. "RP XI downs East Timor in Tiger Cup" (Reprint). Manila Bulletin (Find Articles). 2004-12-14. Sininop mula sa orihinal na pahina noong 2012-07-09. http://archive.is/CK7U. Hinango noong 2010-08-25. 
  6. "Soccer-Philippines coach to quit national team, coach youngsters". Reuters. 2007-02-22. http://uk.reuters.com/article/idUKSP3664020070222. Hinango noong 2010-08-25. 
  7. 7.0 7.1 "RP to skip football World Cup qualifiers". Inquirer Sports (Philippine Daily Inquirer). 2007-04-02. http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/sports/view/20070402-58301/RP_to_skip_football_World_Cup_qualifiers. Hinango noong 2010-08-25. 
  8. "Record entries for SA World Cup". BBC Sport (British Broadcasting Corporation). 2007-03-30. http://news.bbc.co.uk/sport1/hi/football/africa/6511447.stm. Hinango noong 2007-03-30. 
  9. "Philippines making Asian Waves". FIFA.com. Fédération Internationale de Football Association. 2008-06-26. http://www.fifa.com/worldfootball/ranking/news/newsid=814849.html. Hinango noong 2010-08-25. 
  10. "Philippines fail to qualify for AFC Challenge Cup". AseanFootball.org (ASEAN Football Federation). 2008-05-18. http://www.aseanfootball.org/news_d.asp?id=451. Hinango noong 2010-08-25. 
  11. Nathanielsz, Ronnie (2008-10-26). "Philippines edged out of Suzuki Cup". Inside Sports. http://insidesports.ph/football/philippines-edged-out-of-suzuki-cup-main-event/. Hinango noong 2010-08-25. 
  12. Sacamos, Karlo (Disyembre 4, 2014). "Kaholeros' dogged determination: Azkals' travelling fans make presence felt in enemy territory". Sports Interactive Network Philippines. http://www.spin.ph/football/special-reports/kaholeros-azkals-travelling-fans-booster-squad-suzuki-cup-vietnam-hanoi-football-philippines. Hinango noong Marso 27, 2015. 
  13. 13.0 13.1 "Country info - Philippines". FIFA.com. Fédération Internationale de Football Association. http://www.fifa.com/associations/association=phi/countryInfo.html. Hinango noong 2010-10-20. 
  14. "ISO 3166 Country Codes". Ciolek.com. ISO 3166 Maintenance Agency. http://www.ciolek.com/OWTRAD/iso3166-countrycodes.html. Hinango noong 2010-10-20. 
  15. "RP booters - Google News Archive Search". http://news.google.com/archivesearch?q=rp+booters&ie=UTF-8&oe=UTF-8&btnG=Search+Archives. Hinango noong 2010-10-20. 
  16. "RP XI - Google News Archve Search". http://news.google.com/archivesearch?q=rp+xi&btnG=Search+Archives&ie=UTF-8&oe=UTF-8&scoring=a. Hinango noong 2010-10-20. 
  17. Lao, Edward (2000-01-28). "Philippine United: First Pinoy soccer team in UK". ABS-CBNNews.com. http://www.abs-cbnnews.com/pinoy-migration/01/27/09/philippine-united-first-pinoy-soccer-team-uk. Hinango noong 2010-12-03. 
  18. Dimacali, TJ (2000-12-17). "Azkals beat Timnas Indonesia — on Twitter". GMANews.tv. http://www.gmanews.tv/story/208582/azkals-beat-timnas-indonesia-on-twitter. Hinango noong 2010-12-21. 
  19. "Leisure - Trivia" (sa Filipino). Abante (Manila). 2007-05-27. http://www.abante-tonite.com/issue/may2707/leisure_trivia.htm. Hinango noong 2010-08-25. 
  20. Navarro, June (2009-03-29). "PSC plans to restore RMSC football field". Inquirer Sports (Philippine Daily Inquirer). http://sports.inquirer.net/breakingnews/breakingnews/view/20090329-196760/PSC-plans-to-restore-RMSC-football-field. Hinango noong 2010-05-13. 
  21. del Rosario, Paolo (Mayo 25, 2015). "PFF releases national team lineups for World Cup Qualifiers, SEA Games". CNN Philippines. http://cnnphilippines.com/sports/2015/05/25/football-PFF-World-Cup-Qualifiers-SEA-Games-Azkals-Roster-lineup.html. Hinango noong Mayo 25, 2015. 
  22. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang historypffold); $2
  23. Japa, Raffy (March 26, 1987). "Elizalde to the resuce". Manila Standard. p. 8. https://news.google.com/newspapers?id=t2wVAAAAIBAJ&sjid=gwsEAAAAIBAJ&pg=3383%2C3387867. Hinango noong April 29, 2015. "Alberto Honasan has been designate coach of the team" 
  24. "Fegidero uses old magic on Malaysia". Bacolod: Manila Standard Today. May 13, 1993. https://news.google.com/newspapers?id=lqZNAAAAIBAJ&sjid=fAsEAAAAIBAJ&pg=4506%2C2299766. Hinango noong March 26, 2015. ""We lack serious games which can only be attained in overseas tournament", said head coach Mariano Araneta" 


Mga panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang batayan]