Pumunta sa nilalaman

Pananakop ng mga Ingles sa Maynila

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
British East India Company
Mga Pulo ng Pilipinas
1762–1764
Watawat ng Nagkakaisang Kaharian
Watawat
Eskudo ng Nagkakaisang Kaharian
Eskudo
Mapa ng saklaw na napasailalim ng Nagkakaisang Kaharian noong Pitong Taong Digmaan
Mapa ng saklaw na napasailalim ng Nagkakaisang Kaharian noong Pitong Taong Digmaan
KatayuanKolonyang Dulot ng Digmaan na Napabilang sa Nagkakaisang Kaharian
KabiseraMaynila
Karaniwang wikaIngles, Kastila, Tagalog, at iba pang katutubong wika.
Relihiyon
Romano Katolisismo
Monarkiya 
• 1762-1764
George III
Gobernador ng Pilipinas 
• 1762-1763
Almirante Samuel Cornish
• 1763
Sir Francis Drake
PanahonPananakop ng Ingles
1762
• Kapayapaan sa Paris
1764
SalapiPeso fuerte
Pinalitan
Pumalit
Silangang Indiya ng Espanya
Silangang Indiya ng Espanya

Ang pananakop ng mga Ingles sa Maynila sa pagitan 1762 at 1764 ay isang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas kung saan sinakop nang Kaharian ng Gran Britanya ang kabisera ng kolonyang Kastila, ang Maynila at ang kalapit nitong pangunahing daungan sa Kabite.

Ang paglaban mula sa pansamantalang pamahalaang kolonyal na Kastila na itinatag ng mga kasapi ng Real Audiencia ng Maynila at nang mga kakamping Pilipino nito ang nakapigil sa puwersang Ingles upang mapasailalim ang iba pang mga teritoryo sa mga kalapit na bayan ng Maynila at Kabite. Ang pananakop ng mga Ingles ay nagwakas sa isang kasunduang pangkapayapaan ng Pitong Taong Digmaan.

Mga kaganapan bago ang pananakop

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong panahong iyon, mayroon nang digmaan ang Britanya at Pransiya na tinatawag ngayong Pitong Taon Digmaan. Habang tumatagal ang digmaan, ang walang pinapanigang pamahalaan ng mga Kastila ay nag-aalala na ang mga pagkatalo ng mga Pranses sa mga Ingles ay magiging isang malaking banta sa interes ng Espanya. Unang naghayag ng digmaan ang Britanya laban sa Espanya noong 4 Enero 1762, at noong 18 Enero 1762 ay naglabas din ang Espanya ng kanilang sariling pagpapahayag ng digmaan laban sa Britanya.[1] Matagumpay na nakagawa ng kasunduan ang Pransiya at Espanya na kinilala bilang Pacte de Famille na nilagdaan noong 15 Agosto 1761. Sa isang lihim na pagpupulong, madaling nakapaghanda ang Espanya upang makipagdigma sa Britanya.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Fish 2003, p. 2
  2. Tracy 1995, p. 9

Bibliograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Tracy, Nicholas (1995), Manila Ransomed: The British Assault on Manila in the Seven Years War, University of Exeter Press, ISBN 978-0-85989-426-5{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) ISBN 0-85989-426-6, ISBN 978-0-85989-426-5
  • Fish, Shirley (2003), When Britain ruled the Philippines, 1762-1764: the story of the 18th century British invasion of the Philippines during the Seven Years War, 1stBooks Library, ISBN 978-1-4107-1069-7{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link), ISBN 1-4107-1069-6, ISBN 978-1-4107-1069-7.

Mga dagdag babasahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Borschberg, P. (2004), “Chinese Merchants, Catholic Clerics and Spanish Colonists in British-Occupied Manila, 1762-1764” in "Maritime China in Transition, 1750-1850", ed. by Wang Gungwu and Ng Chin Keong, Wiesbaden: Harrassowitz, pp. 355–372.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.