Pumunta sa nilalaman

Dibdib

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pangdibdib)
Dibdib ng lalaking tao.
Dibdib ng babaeng tao.

Ang dibdib ay isang bahagi ng anatomiya ng mga tao at ibang mga hayop. Nasa harapan ito ng torso. Tinatawag din itong busto[1], partikular na ang pang-itaas na bahagi sa katawan ng isang babae kasama ang kinalalagyan ng mga suso. Ang salitang pektoral o pektoralis ay may kahulugang "nauukol sa dibdib".[2] na may kaugnayan din sa pariralang Latin na in pectore o "nasa loob ng dibdib".

Anatomiya ng dibdib: Sa mga tao at ibang mga hominidyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa mga hominidyo, ang dibdib ay isang rehiyon ng katawan sa pagitan ng leeg at ng tiyan (abdomen), kasama ng mga panloob na organo nito at iba pang mga kalamnan. Malawakan itong pinagsasanggalang at sinusuporthan ng kulungang-tadyang, gulugod, at bigkis-balikat (shoulder girdle). Kabilang sa mga nilalaman ng dibdib ang mga sumusunod:

Isang X-ray ng dibdib ng tao.

Sa mga tao, pinuprotektuhan ang bahagi ng dibdib ng kulungang-tadyang na tinatawag ding toraks.

Anatomiya ng dibdib sa ibang mga hayop

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Guhit ng isang kulisap na inilalarawan ang posisyon ng toraks.

Sa mga insekto at ibang mga nilalang na may eksoiskeleton, ang lokasyon na katumbas ng dibdib ay tinatawag na toraks.

Sa mga mamalyang may apat na paa, ang glandulang pang-mamarya at utong ay nakalagay malapit sa mga panglikod na mga hita, at samakatuwid ay hindi bahagi ng dibdib. Sa kabaligtaran, naglalaman ang anatomiya ng mga kahalintulad na mga organong panloob na may pagkakaiba ng kumpigurasyon.

Kapinsalaan ng dibdib

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sakit at pinsala sa dibdib ay tinatawag ding trawma sa dibdib o trawmang pang-toraks o pagkakabugbog ng dibdib. [3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James (1977). "Busto". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. pectoral Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., "nauukol sa dibdib",
  3. Shahani, Rohit, MD. (2005). Penetrating Chest Trauma o Tumatagos na pinsala sa dibdib. eMedicine. Retrieved 2005-02-05.