Pumunta sa nilalaman

Panitikang Ingles

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Panitikan sa Inglatera)
William Shakespeare

Ang panitikang Ingles (Ingles: English literature) ay ang katawagan para sa panitikang nasusulat sa wikang Ingles, pati na ang panitikang nasa Ingles na gawa ng mga manunulat na hindi nanggaling sa Inglatera. Ang Beowulf ang isa sa pinakaunang mga aklat na nasa Ingles. Kabilang sa mahahalagang mga manunulat sa Ingles sina Geoffrey Chaucer, Shakespeare, John Milton, William Wordsworth, Jane Austen, George Eliot, Thomas Hardy, D.H. Lawrence, Virginia Woolf, at Ted Hughes.

Kabilang sa mga manunulat sa wikang Ingles na hindi galing sa Inglatera sina Joseph Conrad na isang Polako, Robert Burns na isang Eskoses, James Joyce na isang Irlandes, Dylan Thomas na isang Welsh, Edgar Allan Poe na isang Amerikano, Salman Rushdie na isang Indiyano, V. S. Naipaul na isang Trinidadyano, Derek Walcott na isang St. Lucia, Giannina Braschi na isang Puerto Rico, at Vladimir Nabokov na isang Ruso. Sa madaling sabi, kasama sa panitikan sa Ingles ang mga samu't sari at mga diyalekto ng wikang Ingles na sinasambit o winiwika sa buong mundo.


PanitikanInglateraWika Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan, Inglatera at Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.