Pumunta sa nilalaman

Mayonnaise

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pano Nangyari Yun?)
Mayonnaise
Mga miyembro ng Mayonnaise mula 2015 hanggang 2017, mula kaliwa tungong kanan: Tirona, Regalado, Servano, Macalino, Furio
Mga miyembro ng Mayonnaise mula 2015 hanggang 2017, mula kaliwa tungong kanan: Tirona, Regalado, Servano, Macalino, Furio
Kabatiran
PinagmulanKalakhang Maynila, Pilipinas
Genre
Taong aktibo2002–kasalukuyan
Label
  • Sony Music Philippines/Vamp Records (2003–2007)
  • Viva Records (2008–2011)
  • Yellow Room Music Philippines (2011–kasalukuyan)
  • Warner Music Philippines (2016–kasalukuyan)
MiyembroMonty Macalino
Shan Regalado
Carlo Servano
Nikki Tirona
Keano Swing
Dating miyembroLee Maningas
Paga Manikan
Poch Villalon
Jaztin Mercado
Aaron Brosoto
Maan Furio

Ang Mayonnaise ay isang bandang alternative rock mula sa Pilipinas na may limang miyembro, na pinangungunahan ni Monty Macalino. Nagsimula noong 2002, naging kilala sila nang nanalo sila sa patimpalak na "Red Horse Muziklaban" noong 2004. Isa sa pinakasikat nilang awitin ang "Jopay" na tumutukoy kay Jopay ang dating miyembro ng SexBomb Girls na madalas lumabas sa Eat Bulaga!.

Nakuha ng banda ang kanilang pangalan sa awitin ng The Smashing Pumpkins na "Mayonaise"[1] at nabuo sila noong 2002 kasama ang mga unang naging kasapi. Mas malawak silang nakilala nang nakuha nila ang Pinakamalaking Premyo (o Grand Prize) sa Red Horse Muziklaban noong 2004 bilang isang banda na may apat na miyembro. Binuo sila nina Monty Macalino (ang punong manunulat ng awitin), Paga Manikan, Lee Maningas at Shan Regalado,[2][3] inilunsad ang kanilang unang album na Mayonnaise, kasama ang unang single na "Jopay", sa pamamagitan ng Sony Music Philippines.[4] Tumutukoy ang awiting "Jopay" kay Jopay, ang noo'y miyembro ng Sexbomb Dancers.[5] Sumunod naman ang single na "Bakit Part 2" na naging sikat sa mga pagpapatugtog sa radyo. Noong 2008, umalis ang bahistang si Lee Maningas upang mangibang bayan sa Estados Unidos at pinalitan siya ni Villalon.

Inilabas namang ang kanilang ikalawang album, ang Pa'no Nangyari Yun?, noong 2006,[6] kasama ang carrier single na "Salamin". Noong 2006 din, muli nilang binuhay (o ni-revive) ang awitin ng VST & Company na "Ipagpatawad Mo" na napasama sa album na kolaborasyon na Hopia Mani Popcorn. Nailabas naman noong March 21, 2008 ang ikatlong album ng Mayonnaise, ang Tersera, na inilabas kasama ang mga single na "Singungaling", "Torres" at "Sakto". Samantalang nailabas ang ikaapat na album na Pula noong 2010 kasama ang carrier single na "Sa Pula, Sa Puti".

Muling naging sikat ang awitin nilang "Jopay" pagkatapos naging viral ito sa Tiktok noong huling 2022 at maagang 2023,[7] na ikinakabit ang paggamit nito sa soundtrack ng pelikula ng 2022 na Ngayon Kaya.[8] Pumasok ang "Jopay" sa tsart ng Billboard na Philippines Songs (Mga Awitin ng Pilipinas), na pumalo ng kabuuang 12 linggo at naabot ang pinakamataas sa blg. 5.[9] Nakatulong ang muling ang pasikat nito dahil sa personalidad ng hatirang pangmadla na si Kosang Marlon na inawit ang "Jopay" sa ibang tono na nakakatawa sa Tiktok. Kinilala naman ng Mayonnaise si Kosang Marlon sa muling pasikat ng "Jopay" at nakipag-jam ang banda kay Kosang Marlon para awitin ang kanta.[10][11][12]

Mga parangal at nominasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Nagbigay Kategorya Gawang nanomina Resulta
2007 MYX Music Awards Favorite Indie Artist (Paboritong Artistang Malaya) Nominado[13]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Mayonnaise ready to spread its music with 2nd concert | BusinessWorld". BusinessWorld (sa wikang Ingles).
  2. "Mayonnaise band to have Barbie Almalbis, Champ Lui Pio of Hale as concert guests" (sa wikang Ingles).
  3. "Philippine Daily Inquirer - Google News Archive Search" (sa wikang Ingles).
  4. "Mayonnaise marks 17 years with concert as fans wait for 'Bakit Part 3'" (sa wikang Ingles).
  5. "Mayonnaise | ENCORE FEATURE" (sa wikang Ingles). Oktubre 12, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Mayonnaise 2nd album" (sa wikang Ingles). Setyembre 16, 2006. Nakuha noong Agosto 18, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Gil, Baby A. "The first hit songs of 2023". Philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-01-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Agustin, John Micheal (2023-01-24). "The Story behind Mayonnaise's old song Jopay + Why is it trending". Spiel Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-01-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Cusson, Michael (2022-02-15). "Philippines Songs". Billboard (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-01-27.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "i-KMJS NA 'YAN!: Pangmalakasang 'Jopay' version ni Kosang Marlon, madidinig kasama ang Mayonnaise". Balitambayan (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-01-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "'Wag ka nang mawa...laaa!' Kosang Marlon to showcase his version of Mayonnaise's 'Jopay' on 'KMJS'". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-01-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Severo, Jan Milo. "Mayonaise, Kosang Marlon collaborate with trending version of 'Jopay'". Philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-01-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Baby A. Gil (Pebrero 5, 2007). "A MYX Magna for Apo nominees" (sa wikang Ingles). PhilStar. Nakuha noong Setyembre 16, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)