Pumunta sa nilalaman

Papa Gregorio XIII

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Papa Gregorio XIII (Latin: Gregorius XIII; 7 Enero 1502 – 10 Abril 1585), pinanganak na Ugo Boncompagni, ay ang pinuno ng Simbahang Katoliko mula 13 Mayo 1572 hanggang kaniyang kamatayan noong 1585. Higit siyang kilala sa pagkomisyon ng kalendaryong isinunod sa kaniyang pangalan Kalendaryong Gregoriano, na ginagamit hanggang sa ngayon na kalendaryong sibil sa buong mundo.


Karera bago naging Papa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa edad na tatlumpu't-anim ipinatawag siya sa Roma ni Papa Pablo III (1534–1549), na nagtalaga sa kaniya sa iba't-ibang puwesto bilang unang hukom ng kabisera, abreviador, at bise-rector ng Campagna. Idinikit siya ni Papa Pablo IV (1555–1559) bilang datarius sa silid ni Kardinal Carlo Carafa. Hinirang naman siya ni Papa Pio IV (1559–1565) bilang Paring Kardinal ng San Sisto Vecchio at ipinadala siya sa Konsilyo ng Trento.

Nagsilbi rin siyang legado kay Felipe II ng Espanya (1556–1598), noong ipadala siya ng Papa upang siyasatin ang Kardinal ng Toledo. Dito nagsimula ang isang matagal at malapit na ugnayan nila ng Hari ng Espanya, na naging mahalaga sa polisiyang panlabas nang siya'y naging Papa.





Katolisismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.