Papa Pio X
San Pio X | |
---|---|
Nagsimula ang pagka-Papa | 4 Agosto 1903 |
Nagtapos ang pagka-Papa | 20 Agosto 1914 |
Hinalinhan | Leon XIII |
Kahalili | Papa Benedicto XV |
Mga orden | |
Ordinasyon | 18 Setyembre 1858 ni Giovanni Antonio Farina |
Konsekrasyon | 20 Nobyembre 1884 ni Lucido Maria Parocchi |
Naging Kardinal | 12 Hunyo 1893 |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Giuseppe Melchiorre Sarto |
Kapanganakan | 2 Hunyo 1835 Riese, Lombardy-Venetia, Imperyong Austriyano |
Yumao | 20 Agosto 1914 Palasyong Apostoliko, Roma, Kaharian ng Italya | (edad 79)
Lagda | |
Eskudo de armas | |
Kasantuhan | |
Kapistahan | 21 Agosto 3 Setyembre (Pangkalahatang Kalendaryong Romano 1955–1969) |
Beatipikasyon | 3 Hunyo 1951 ni Papa Pio XII |
Kanonisasyon | 29 Mayo 1954 ni Papa Pio XII |
Pamimintakasi | Arkidiyosesis ng Atlanta, Georgia; diyosesis ng Des Moines, Iowa; unang mga komunikante; Diyosesis ng Great Falls-Billings, Montana; arkidiyosesis ng Kottayam, India; mga peregrino; Santa Luċija, Malta; Diyosesis ng Springfield-Cape Girardeau, Missouri; Arkidiyosesis ng Zamboanga, Pilipinas |
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Pio |
Si Papa Pio X (Latin na Eklesyastikal: Pius PP. X, Latin: Pius Decimus) (2 Hunyo 1835 – 20 Agosto 1914) na ipinanganak bilang Giuseppe Melchiorre Sarto, ay isang Italyanong pari ng Simbahang Katoliko Romano at naging ika-258 na Papa ng Simbahang Katoliko Romano na naglingkod mula 1903 hanggang 1914.[1] Isa siya sa mga santo ng Simbahang Katoliko.[2] Siya ang unang papa, mula kay Papa Pio V, na kinanonisa bilang santo. Itinakwil ni Pio X ang mga modernistang interpretasyon ng doktrinang Romano Katoliko at nagtaguyod ng mga tradisyonal na pangdebosyong mga kasanayan at teolohiyang ortodoksiya. Ang kaniyang pinakamahalagang reporma ang paglilimbag ng unang Kodigo ng Batas na Kanon na nagtipon ng mga batas ng Simbahang Katoliko Romano sa isang bolyum sa unang pagkakataon. Siya ay isang pastoral na papa na humihikayat ng personal na kabanalan at pamumuhay na nagpapakita ng mga kaugaliang Kristiyano. Siya ay ipinanganak sa bayan ng Riese na kalaunang idinagdag ang "Pio X" (pangalan ni Pio X sa Latin) sa pangalan ng bayang ito.
Maagang bahagi ng buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Giuseppe Sarto noong 1835 sa Riese na nasa Kaharian ng Lombardy-Venetia. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Padua.[3]
Pagkapari
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naordinahan si Sarto bilang pari noong 18 Setyembre 1858.[2]
Bilang obispo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1884, si Sarto ay ginawang Obispo ng Mantua ni Papa Leon XIII.[3]
Bilang Kardinal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1893, si Sarto ay ginawang Kardinal at Patriarka ng Venice ni Papa Leon XIII.[2]
Bilang papa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 4 Agosto 1903, nahalal si Kardinal Sarto bilang Papa; at pinili niyang tawagin bilang Pio X.[3]
Kasantuhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1951, sumailalim siya sa beatipikasyon, na isang hakbang sa proseso ng pagpapangalan sa kaniya bilang isang santo ng Simbahang Katoliko. Nakanonisa siya bilang isang santo noong 1954.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "List of Popes," Catholic Encyclopedia (2009); nakuha noong 2011-11-02.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 "Pope Pius X," Catholic Encyclopedia (2009); nakuha noong 2011-11-02.
- ↑ 3.0 3.1 3.2 Flinn, Frank K. et al. (2007). "Pius X," in Encyclopedia of Catholicism, p. 519.
Mga kawing na panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]May kaugnay na midya ang Pius X sa Wikimedia Commons
- Herbermann, Charles, pat. (1913). Catholic Encyclopedia (sa wikang Ingles). New York: Robert Appleton Company.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
. - Catholic Hierarchy, Pope Pius X
- Cardinals of the Holy Roman Church Naka-arkibo 2011-10-30 sa Wayback Machine., Cardinal Sarto
- Museo San Pio X
- Fondazione Giuseppe Sarto (sa Italyano)
Sinundan: Leo XIII |
Pope 1903–1914 |
Susunod: Benedict XV |