Pumunta sa nilalaman

Patriarka ng Alehandriya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Papa ng Alehandriya)

Ang Patriarka ng Alexandria ang arsobispo ng Alexandria at Cairo, Ehipto. Sa kasaysayan, ang opisinang ito ay kinabibilangan ng designasyong papa. Ang unang obispo na alam na tinawag na "Papa" ang ika-13 siglo CE Patriarka ng Alexandria na si Papa Heraclas. Ang posisyong ito sa simula ay isang episkopata na pinapipitaganan bilang isa sa tatlong pinakatamandang mga episkopata kasama ng Roma at Antioch. Ito ay itinas sa de facto na katayuan arkiepisokapa ng Konsehong Alexandrino at niregula ng batas kanon ng Unang Konsehong Ekumenikal na nag-aatas na ang lahat ng mga episkopal na Ehipsiyo at mga probinsiyang metropolitano ay sumasailalim sa Metropolitan na Sede ng Alexandria(na isa nang nananaig na kustombre).

Mga nag-aangkin ng pamagat na ito

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Simbahang Koptikong Ortodokso ng Alexandria

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Papa ng Koptikong Ortodoksong Simbahan ng Alexandria ay namumuno sa Koptikong Ortodoksong Simbahan ng Alexandria ngunit tumira sa Cairo simula nang ilipat ni Christodoulos noong ika-11 siglo CE. Ang kanyang mga buong pamagat ay Papa at Arsobispo ng Dakilang Siyudad ng Alexandria at Patriarka ng lahat ng Aprika, ang Banal na Ortodokso at Apostolikong Sede ni San Marcos na Ebanghelista (Ehipto, Libya, Nubia, Sudan, Ethiopia, Eritrea at lahat ng Aprika) at kahalili ni San Marcos na Ebanghelista, Banal na Apostol at Martir sa Banal na Apostolikong Trono ng Dakilang Siyudad ng Alexandria.

Griyegong Ortodoksong Simbahang ng Alexandria

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Patriarka ng Alexandria at lahat ng Aprika ay namumuno sa Griyegong Ortodoksong Simbahan ng Alexandria. Ang kanyangbuong pamagat ay Papa at Patriarka ng Dakilang Siyudad ng Alexandria, Libya, Pentapolis, Etiopia Lahat ng Lupain ng Ehipto at Lahat ng Aprika.

Mga Simbahang Silangang Katoliko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Koptikong Katolikong Simbahan ng Alexandria

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Patriarka ng Alexandria ng mga Kopt na namumuno sa Simbahang Koptikong Katoliko sa pakikipagkomunyon sa Banal na Sede ay maaari ring pagkalooban ng pamagat na Kardinal Obispo ng Papa nang hindi nagkokompromniso ng kanyang katayuang patriarkal.

Simbahang Melkitang Griyegong Katoliko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Patriarka ng Antioch ng Griyegong mga Melkita na namumuno sa Simbahang Melkitang Griyegong Katoliko sa pakikipagkomunyon sa Banal na Sede na may mga pamagat ring titular na Patriarka ng Alexandria ng mga Griyegong Melkita at Titular na Patriarka ng Herusalem ng mga Griyegong Melkita.

Simbahang Latin na Katoliko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Latin na Patriarka ng Alexandria ang pinuno ng Titular na Patriarkal na Sede ng Alexandria ng Simbahang Katoliko Romano na itinatag ni Papa Inocencio III. Ang pamagat na ito ay huling hinawakan ni Luca Ermenegildo Pasetto hanggang sa kanyang kamatayan noong 1954. Ang posisyong ito ay nanatiling bakante hanggang sa pagbuwag nito noong 1964.