Parasikolohiya
Ang parasikolohiya ay ang pag-aaral ng mga kababalaghang sikiko. Ang mga penomenang ito ay kinasasangkutan ng pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng isang tao at ng kapaligiran, na hindi ginagamitan ng limang mga pandama. Kabilang dito ang persepsiyong ekstrasensoryo (katulad ng telepatiya), impluwensiya ng isipan sa materya (sikokinesis), maanomalyang mga karanasan (katulad ng mga karanasan sa dating buhay at mga karanasan ng halos pagsapit ng kamatayan) at mga aparisyon.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.