Pumunta sa nilalaman

Parasite (pelikula ng 2019)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Parasite
An older man stands on a lawn, his eyes censored by a black bar, as are those of a boy behind him. A younger couple relax on a sun lounger, their eyes covered by a white bar. Someone's legs, lying on the grass, enter the frame. There is Korean writing above the man's head as well as in the white margin below the image.
Theatrical release poster
Hangul기생충
Revised RomanizationGisaengchung
McCune–ReischauerKisaengch'ung
DirektorBong Joon-ho
Prinodyus
  • Kwak Sin-ae
  • Moon Yang-kwon
  • Bong Joon-ho
  • Jang Young-hwan
Iskrip
KuwentoBong Joon-ho[1]
Itinatampok sina
MusikaJung Jae-il[1]
SinematograpiyaHong Kyung-pyo[2]
In-edit niYang Jin-mo
Produksiyon
Barunson E&A[1]
TagapamahagiCJ Entertainment
Inilabas noong
  • 21 Mayo 2019 (2019-05-21) (Cannes)
  • 30 Mayo 2019 (2019-05-30) (South Korea)
Haba
132 minutes[3][4]
BansaSouth Korea[1][3]
WikaKorean
BadyetPadron:KRW[5]
(~$15.5 million)[6]
Kita$263.1 million[7]

Ang Parasite (Koreano기생충; Hanja寄生蟲; RRGisaengchung) ay isang pelikulang black comedy at thriller mula sa Timong Korea sa ilalim ng direksyon ni Bong Joon-ho, na siyang sinulat kasama ni Han Jin-won at linikha. Ang pelikula, na pinagbibidahan nina Song Kang-ho, Lee Sun-kyun, Cho Yeo-jeong, Choi Woo-shik, Park So-dam, Jang Hye-jin, Park Myung-hoon, at Lee Jung-eun, ay sumusunod sa buhay ng isang mahirap na pamilya at sa kanilang planong manilbihan sa isang mayamang pamilya at pagsalakay ang kanilang tahanan sa pamamagitan ng pagpanggap bilang mga dalubhasang indibidwal.

Ang iskrip ay batay sa dulang isinulat ni Joon-ho noong 2013 na siyang pinagmulan. Noong kinalaunan ay isinulat niya ito upang maging isang labinlimang pahinang pampelikulang burador, na hinati ni Ji-won sa tatlong iba’t ibang burador. Ayon kay Joon-ho, nakahanap siya ng inspirasyon sa Koreanong pelikulang The Housemaid na inilabas noong 1960, at gayundin sa insidenteng kinabibilangan nina Christine at Léa Papin na naganap noong 1930s sa pagsusulat ng pelikula. Sinimulang gawin ang pelikula noong Mayo ng 2018 at natapos noong Setyembre sa loob ng parehong taon. Ang mga tauhang panteknikal ay kinabibilangan nina Hong Kyung-pyo na pinangunahan ang sinematograpiya, Yang Jin-mo na pinangunahan ang pag-edit, at Jung Jae-il na pinangunahan ang musika. Si Darcy Paquet, isang Amerikanong taga-puna ng pelikula at manunulat, ang nagsalin ng pelikula sa wikang Ingles para sa paglabas nito sa iba’t ibang bansa.

Ang script ay batay sa pinagmulang materyal ni Joon-ho mula sa isang dula na isinulat noong 2013. Kalaunan ay inangkop niya ito sa labinlimang pahinang draft ng pelikula, at hinati ito sa tatlong magkakaibang draft ni Jin-won. Sinabi ni Joon-ho na kumuha siya ng inspirasyon mula sa 1960 Korean film na The Housemaid, at gayundin mula sa Christine at Léa Papin incident noong 1930s para isulat ang screenplay ng pelikula. Nagsimula ang paggawa ng pelikula noong Mayo 2018 at natapos noong Setyembre. Ang technical crew ay binubuo ng cinematographer na si Hong Kyung-pyo, editor ng pelikula na si Yang Jin-mo, at kompositor na si Jung Jae-il . Si Darcy Paquet, isang Amerikanong kritiko at may-akda ng pelikula, ay nagbigay ng mga pagsasalin sa Ingles para sa internasyonal na pagpapalabas ng pelikula.

Ang Parasite ay unang ipinalabas sa 2019 Cannes Film Festival noong 21 Mayo 2019, kung saan ito ang naging unang pelikula mula sa Timog Korea na manalo ang Palme d'Or, o ang pinakamataas na karangalan sa Cannes Film Festival. Ito ay ipinalabas sa Timog Korea ng CJ Entertainment noong 30 Mayo. Binansagan ang pelikula ng maraming taga-puna bilang pinakamagandang pelikulang lumabas noong 2019 at isa sa pinakamagandang pelikulang lumabas sa ika-21 na siglo. Kumita ang pelikula ng mahigit $263 milyon sa buong mundo sa ilalim ng $15.5 milyon na badyet.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Parasite international press kit" (PDF). CJ Entertainment. 2019. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 10 Enero 2020. Nakuha noong 1 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "BONG Joon-ho's PARASITE Claims Early Sales". Korean Film Biz Zone (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Pebrero 2019. Nakuha noong 3 Pebrero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "GISAENGCHUNG – Festival de Cannes 2019". Cannes Film Festival. 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Setyembre 2019. Nakuha noong 1 Enero 2020. Country : SOUTH KOREA/Length : 132 minutes{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Naver); $2
  5. 영화 '기생충' 흥행 질주...손익분기점 400만명 눈앞. 3 Hunyo 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Hunyo 2019. Nakuha noong 26 Hunyo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang DeadlineProfit); $2
  7. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang BOM); $2