Percy Bysshe Shelley
Percy Bysshe Shelley | |
---|---|
Kapanganakan | 4 Agosto 1792
|
Kamatayan | 8 Hulyo 1822
|
Mamamayan | United Kingdom of Great Britain and Ireland Kaharian ng Gran Britanya Suwisa |
Trabaho | lingguwista, makatà,[1] tagasalin, mandudula, nobelista, manunulat, librettist |
Asawa | Mary Shelley (30 Disyembre 1816–8 Hulyo 1822) |
Pirma | |
Si Percy Bysshe Shelley ( /ˈpɜrsi ˈbɪʃ ˈʃɛli/; na ang Bysshe ay binibigkas na parang isinulat bilang bish; ipinanganak noong 4 Agosto 1792 – namatay noong 8 Hulyo 1822) ay isa sa pangunahing mga Ingles na mga makatang Romantiko at mapanuring itinuturing bilang isa sa pinakamahuhusay na mga makatang liriko sa wikang Ingles. Bilang isang radikal sa kaniyang panulaan pati na sa kaniyang mga pananaw sa politika at lipunan, si Shelley ay hindi nagtamo ng katanyagan habang nabubuhay pa, subalit ang pagkilala sa kaniyang panulaan ay may katatagang sumulong pagkaraan ng kaniyang kamatayan. Si Shelley ay isang susing kasapi sa isang eksklusibong pangkat ng mga makatang mapangarapin at mga manunulat na kinabibilangan nina Lord Byron, Leigh Hunt, Thomas Love Peacock, at ng kaniyang pangalawang asawang si Mary Shelley na may-akda ng Frankenstein.
Marahil si Shelley ay pinaka nakikilala dahil sa mga tulang klasikong katulad ng Ozymandias, Ode to the West Wind, To a Skylark, Music, When Soft Voices Die, The Cloud at The Masque of Anarchy. Ang iba pa niyang pangunahing mga akda ay kinabibilangan ng mahahaba at mapagpangarap na mga tulang katulad ng Queen Mab (na sa paglaon ay muling isinagawa bilang The Daemon of the World), Alastor, The Revolt of Islam, Adonaïs, ang hindi natapos na akdang The Triumph of Life; at ang mga dramang may taludtod at mapagpangarap na The Cenci (1819) at Prometheus Unbound (1820).
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Inglatera at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
- ↑ "Hampstead High" (sa wikang Ingles). 1 Marso 1998. Nakuha noong 12 Abril 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)