Pumunta sa nilalaman

Kalantas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Philippine cedar)

Kalantas
Mga buto ng Toona calantas, na nasa loob pa rin ng isang kapsula
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Sapindales
Pamilya: Meliaceae
Sari: Toona
Espesye:
T. calantas
Pangalang binomial
Toona calantas
Merr. & Rolfe

Ang Toona calantas ay isang espesye ng punong-kahoy sa pamilya ng mahogany. Matatagpuan ito sa Indonesia, Pilipinas, at Thailand. Binabantaan ito ng pagkalawa ng tirahan.[1] Karaniwang tinatawag itong kalantas (binaybay din bilang calantas), lanipga (sa Bisaya at Bikol),[2] ample (sa Batanes),[2] bantinan (sa Cagayan at Mountain Province),[2] danupra (sa Zambales at Ilocos Norte),[2] Philippine cedar (sa Ingles), o Philippine mahogany (bagaman ang huli ay maaring ilapat sa mga kasapi ng hindi kaugnay na genus Shorea).[3]

Deskripsyon at penolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maaring lumago ang punong kalantas hanggang 25 metro (82 talampakan) at sumusukat hanggang 25 centimetro (9.8 pulgada) sa diametro.[4] Ang kulay ng banakal nito ay mula madilaw hanggang sa madilim na kayumanggi at ang panloob na banakal ay maliwanag na kayumanggi[2] habang diretso at hugis baso ang katawan nito.[4] Naisasalarawan ang dahon nito bilang tambalan, salit-salit na pahaba o pangkalahatang lanseyolado.[4] Nakakapsula ang prutas ng kalantas na maaring tambilugan o pahaba na sumasukat ang haba sa 3–4 centimetro (1.2–1.6 pul).[2]

Nagaganap ang pamumulaklak mula Hunyo hanggang Agosto habang namumunga ito mula Setyembre hanggang Nobyembre.[5] Sa Bundok Makiling, Laguna, Pilipinas, nagaganap ang pangongolekta ng mga buto mula Pebrero hanggang Marso.[5]

Distribusyon, kahalagaan at katayuan ng pananatili

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pangkalahatan nakakalat sa buong Pilipinas partikular sa mga kapuluan ng Balabac, matatagpuan ang punong kalantas sa mga burol ng isang gubat na nasa mababa hanggang katamtamang altitud o taas.[4] Ginagamit ang kahoy ng puno sa paggawa ng kahon, muwebles o plywood.[4][5] Naikategorya ang kalantas ng International Union for Conservation of Nature (IUCN) bilang Kakulangan sa Datos[2] ngunit naiulat na ubos na ubos na ang kalantas dahil sa pagtrotroso at kaingin.[4] Ginawa ang mga pagsisikap sa muling pagtatanim sa gubat sa Pilipinas at napabiling dito ang punong kalantas sa mga pagsisikap na ito.[6] Ang isa sa mga pagsisikap na ito ay ginawa ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman ng Pilipinas noong panahon ng termino na noo'y Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung saan ang pangulo mismo ang nagtanim ng punla ng isang punong kalantas,[7]na pinapaboran na puno na itinataguyod ng pangulo.[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Asian Regional Workshop (Conservation & Sustainable Management of Trees, Viet Nam) 1998. Toona calantas[patay na link]. 2006 IUCN Red List of Threatened Species. Kinuha noong 23 Agosto 2007 (sa Ingles).
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 "Kalantas". BINHI (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-07-19. Nakuha noong 2021-07-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. ASEAN Tropical Plant Database. "Toona calantas Merr. & Rolfe" (sa wikang Ingles). National Institute of Environmental Research, Republic of Korea. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 11, 2013. Nakuha noong Disyembre 12, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 "Kalantas". Cainta Plant Nursery (sa wikang Ingles). 2013-09-25. Nakuha noong 2021-07-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 Dayan, Maria dP.; Reaviles, Rosalinda S.; Bandian, Dolora B. (Agosto 2007). "DENR Recommends Volume 15b INDIGENOUS FOREST TREE SPECIES IN LAGUNA PROVINCE" (PDF). rainforestation.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2022-01-19. Nakuha noong 2021-07-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Mining firm achieves high reforestation survival rate". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. 2019-06-26. Nakuha noong 2021-07-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  7. "PGMA declares La Mesa Dam as a protected watershed". pcoo.gov.ph (sa wikang Ingles). Presidential Communications Operations Office. 2007-07-18. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-07-19. Nakuha noong 2021-07-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Codamon, Dan B. (2007-07-23). "PIA daily news in English, Tagalog, Cebuano, Hiligaynon, Ilocano, Waray, Pangalatok from around the Philippines". archives.pia.gov.ph (sa wikang Ingles). Philippine Information Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-07-19. Nakuha noong 2021-07-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)