Pumunta sa nilalaman

Pistatso

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Pistacia vera
Mga prutas ng Pistacia vera (cultivar na Kerman) na nahihinog na
Binusang mga mani na pistatso na mayroong balat
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
(walang ranggo):
(walang ranggo):
(walang ranggo):
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
P. vera
Pangalang binomial
Pistacia vera

Ang pistatso (Pistacia vera; Kastila: pistacho; Inggles: pistachio) ang binhing nagmula sa puno ng alponsigo (Kastila: alfónsigo), na katutubo sa Iran, Turkmenistan, at Apganistan. Ang pistatso, na nasa loob ng pamilya ng Anacardiaceae, ay isang maliit na puno na nagmula sa Mas Malaking Iran (Iran at Iraq[1][2]) na maaari nang matagpuan sa ngayon sa mga rehiyon ng Syria, Lebanon, Turkey, Gresya, Tunisia, Kyrgyzstan, Tajikistan, Turkmenistan, India, Pakistan, Ehipto, Italya (Sicily), Uzbekistan, Afghanistan (natatangi na sa mga lalawigan ng Samangan at Badghis), at sa Estados Unidos, partikular na sa California. Ang puno ay nagbubunga ng isang mahalagang mani.

Ang Pistacia vera ay kadalasang ikinalilito sa iba pang mga espesye ng saring Pistacia na nakikilala rin bilang "pistachio". Ang mga espesyeng ito ay maaaring ibukod-tangi mula sa P. vera sa pamamagitan ng kanilang pagkakamudmod na pangheograpiya (sa kalikasan) at sa pamamagitan ng kanilang mga mani. Mas maliliit ang kanilang mga mani, mayroong mas malalakas na lasa ng turpentina, at mayroong isang balat na hindi matigas.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "History and Agriculture of the Pistachio Nut". IRECO. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-02-04. Nakuha noong 27 Pebrero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Pistachios". IGA. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Enero 2019. Nakuha noong 27 Pebrero 2012. Iran, Iraq and Tunisia are the major producers of pistachios.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)