Pumunta sa nilalaman

Eutheria

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Placentalia)

Eutheria
Temporal na saklaw: Huling Hurassiko-Kamakailan 160–0 Ma
Fossil specimen of Eomaia scansoria
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Subklase: Theria
Klado: Eutheria
Thomas Henry Huxley, 1880
Subgroups

Ang Eutheria ( /juːˈθiːriə/; mula sa Sinaunang Griyego na nangangahulugang "tunay/mabuting mga hayop" ay isang klado na binubuo ng mga primado, mga armadillo at lahat ng ibang mga mamalya sa maraming mga order na mas malapit na nauugnay sa mga ito kesa sa mga marsupyal. Ang Placentalia ang klaso na nagmumula sa huling karaniwang ninuno ng umiiral na mga eutherian. Dahil ang mga Placentalia ay kinabibilangan ng lahat ng mga nabubuhay na eutherian, ang mga hindi placental na mga eutherian ay nangangailang ektinkt. Ang larawan sa kanan ay nagpapakita ng fossil ng isang gayong hayop na Eomaia.

Ang mga eutherian ay itinatangi mula sa mga hindi eutherian sa iba't ibang mga katangian ng mga paan, bukong bukong, mga panga at mga ngipin. Ang isang pangunahing mga pagkakaiba sa pagitan ng placental at hindi placental na mga eutheian ay ang mga placental ay walang mga butong epipubiko na umiiral sa lahat ng ibang mga fossil at buhay na mga mamalya(monotreme at marsupyal). Ang pinakamatandang alam na espesyeng eutherian ang Juramaia sinensis na may petsang 160 milyong taon ang nakalilipas mula sa panahong Hurassiko sa Tsina. [1] Ang nakaraang pinaka-unang alam na fossil ng eutheria ang Eomaia scansoria na mula rin sa Tsina ay may petsang mula sa Simulang Kretaseyoso mga 125 milyong taon ang nakalilipas. Ang "Eutheria" ay ipinakilala ni Thomas Henry Huxley noong 1880 upang ipakahulugan ang mas malawak na depinisyon kesa Placentalia na terminong nakaraang ginagamit.

Ang pinakamatandang alam na fossil ng Eutheria ang maliliit na mga tulad ng shrew na Juramaia sinensis, o "Inang Jurassic mula sa Tsina" na natagpuan sa Tsina at iniulat noong Agosto 2011. Ito ay pinetsahan ng 160 milyong taon ang nakalilipas sa panahong Itaas na Jurassic. [2] Ayon sa mananaliksik ng fossil na ito, ito ay maaaring isang placental na mamalaya at ang petsa nito ay umaayon sa mga analis na henomiko na naglalagay sa paghihiwalay ng dalawang pangkat ng mamalya na placental at marsupial sa mga 160 milyong taon ang nakalilipas.[3][4][5] Ang isang kalaunang eutherian na Eomaia na pinetsahan ng 125 milyong taon ang nakaliipas sa Mababang Kretaseyoso ay nag-aangkin ng ilang mga katangian na karaniwan sa mga marsupial ngunit hindi mga placental.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Luo Z, Yuan C, Meng Q & Ji Q (2011), "A Jurassic eutherian mammal and divergence of marsupials and placentals", Nature 476(7361): p. 42–45.
  2. Luo, Zhe-Xi; Yuan, Chong-Xi; Meng, Qing-Jin; Ji, Qiang (2011). "A Jurassic eutherian mammal and divergence of marsupials and placentals" (PDF). Nature. 476 (7361): 442–445. Bibcode:2011Natur.476..442L. doi:10.1038/nature10291. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-05-10. Nakuha noong 2012-10-07.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. http://www.livescience.com/15734-oldest-placental-mammal.html
  4. http://www.nytimes.com/2011/08/30/science/30obmammal.html
  5. http://evolution.berkeley.edu/evolibrary/news/110901_earlymammals